^

Pang Movies

Sofia Romualdez, pang-concert ang ginawang launching ng sariling composition

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sofia Romualdez, pang-concert ang ginawang launching ng sariling composition
Sofia

Nang makita namin ang ginawang launching ng Viva Records sa kanilang pinaka-bagong recording star, si Sofia Romualdez, naisip nga naming siguro ang nasa isip ng mga recording producers niya ay siya ang magiging pinaka- bagong recording superstar.

Una, nasa kanya naman ang qualities ng isang recording superstar. Maganda ang boses, makabago ang musika, higit sa lahat maganda siya. Eh alam naman ninyo rito sa Pilipinas, kung singer ka hindi lang dapat boses ang maganda sa iyo. Kailangan maganda ka rin dahil kung hindi, hindi ka sisikat nang husto. Nakita ninyo, ang dami riyan talagang ma­titindi ang boses, pero hindi sumikat dahil hindi naman maganda. Isa lang ang alam naming pangit na sumikat at huwag na ninyong tanungin kung sino iyon.

Iyong launching ni Sofia, masasabi mong impressive talaga. Isipin ninyo, may electronic billboard na background, kumpleto sa mga ilaw, iyong sound system ginagamit lang iyon sa malalaking concerts. Hindi minus one ang tumugtog kung di isang banda, at live pati ang mga back up singers. Tapos binasa ang pangalan ng mga taong involved sa launching, aba talo pa ang concert kasi todo ang staff at technical people para masigurong maganda ang kalalabasan.

Kumanta nang live si Sofia, hindi kagaya ng iba na lip synch lang. Tapos kinanta niya ang kanyang second single, ang Thinking of You na siya rin ang composer. Naiiba nga ang tunog, at lahat ng mga kritikong naroroon ay nagsabing impressive. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit ganoon katindi ang naging paghahanda nila sa launching, lalo na nga’t kung iisipin na hindi pa isang album iyan.

Pinag-uusapan nga namin ng ilang beteranong movie writers na naroroon, kailan ba kami huling nakakita nang ganyan kala­king launching ng isang singer? Hindi na rin nila matandaan, pero nagkaroon din noong mga nakaraang maraming taon na.

Naalala nga namin, ang pinaka malaking launching ng isang singer na natatandaan namin ay noong i-launch ng Vicor Music noong araw ang singer na si Florence Aguilar, pero maski iyon ay talbog ng naging launching kay Sofia.

Pero ang isa pang tanong nila, kanino daw kaya nagmana ng talent sa musika si Sofia?

Ang pamilya ng kanyang amang si dating Mayor Alfred Romualdez ay kilalang tagapagtaguyod ng sining at kultura. Pero palagay namin ang talagang pinagmanahan niya ng karunungan sa musika ay ang pamilya ng kanyang ina, ang kasalukuyang mayor ng Tacloban na si Mayor Cristina Gonzales Romualdez. Dati naman kasi siyang singer bukod sa pagiging artista sa pelikula.

Huwag din ninyong kalimutan na ang kanyang lolo, si Jose Mari Gonzales ay isang musician at noong araw ay isa sa mga nagpasimula ng mga music band sa Pilipinas, siya ang leader ng Electromaniacs na sumikat din noon. Nang malaunan dahil sa interest sa musika, nag-aral siya ng sound engineering at nagtatag ng isang pinaka modernong recording studio noong kanyang panahon, ang Cinema Audio. Noon lahat ng mga sikat na singers doon ginagawa ang recording.

Kaya siguro naman hindi na kayo magtataka kung bakit ganyan ang talent ni Sofia, at kung bakit ganoon technically katindi ang kanyang naging launching bilang isang singer.

Siguro nga ilang panahon pa para makumpleto niya ang kanyang unang album.

Sa ngayon apat na kanta pa lang daw ang kanyang natatapos kung saan nakakagawa lang naman siya ng musika kung siya ay nasa mood.

SOFIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with