Film festivals nagagamit sa walang kwentang pelikula?!
Mapikit lang saglit ang mga mata mo, may panibagong film festival na naman. Talaga bang kailangan ang napakaraming film festivals na kanilang binubuo para sa industriya ng pelikula?
Noong gawin ni Mayor Antonio Villegas ang Manila Film Festival noong 1966, ang gusto lang niya ay mabigyang pansin ang pelikulang Pilipino at makapasok sa mga malalaking sinehan na noon ay kontrolado ng mga foreign film companies. Pero kaya nagtagumpay ang Manila Film Festival, at iyang Metro Manila Film Festival ngayon ay dahil kumikita ang mga pelikula sa panahong iyon at inaabangan ng mga tao ang mga pelikulang palabas.
Ibig sabihin gusto ng mga manonood ang mga pelikulang ipinalalabas kung festival, kaya maski ang mga sinehan ay walang objections dahil kumikita naman sila eh. Hindi masasabing lugi sila, dahil kahit na ano ang gawin ninyong puwersa, kung nalulugi ang mga sinehan, magsasara na lang iyang mga iyan kaysa sa ipalabas ang mga pelikulang hindi kumikita.
Ang napansin namin ngayon, gumagawa sila ng festivals para maipalabas lang ang mga pelikula nilang kung walang festival mababalo lang sa kanilang taguan. Kung may festival kasi, may mga sponsor, nakakakuha sila ng subsidy, bukod sa may nagbibigay ng theater guarantee. Karamihan diyan self serving eh, gusto lang nilang maipalabas sa sinehan ang mga pelikula nilang hindi kumikita.
Sa daan-daang pelikulang ginagawa para sa mga festival na iyan sa nakaraang mga panahon, ilan nga ba ang nagkaroon ng commercial run? Kung hindi nagkaroon ng commercial run, papaano mababawi ang subsidy na ibinibigay sa mga iyan? Sino ang magbabayad ng theater guarantee? Hindi ba nasasayang din ang taxes na dapat kinikita ng gobyerno at nagagamit sa mga proyektong pambayan dahil wala ka namang mapipigang tax sa isang pelikulang hindi naman kumita, nag-abono pa?
Iyan ang isang katotohanan na dapat nating iniisip. Hindi iyong puro personal motives lamang ang umiiral sa inyo.
Anak ni James, hitsurang marami ring babaeng papaiyakin
May naglabas ng picture ng anak ni James Yap at Michela Cazzola sa social media. Mabilis iyong kumalat at sinasabi ngang iyan ang isang heartthrob cager pagdating ng araw. There was a time na sumikat talaga ang mga ganyan. Naging artista pa nga noong araw sina Sonny Jaworski at si Francis Arnaiz na ang tingin nila noon ay parang isang matinee idol.
Hanggang ngayon nga, sikat si Jonathan Grey ng Global Ports, at si Ricci Rivero ng La Salle.
Pero may nagsasabi ring pagdating ng panahon, iyan ang dapat kinukuhang artista. Mukhang may punto naman dahil sa hitsura nga kahit na bata pa, masasabi mong iyan ay magiging isang matinee idol kung papasok sa showbiz. Mas guwapo naman siyang ‘di hamak kaysa sa ibang bata.
Kaya lang, mukhang basketball daw talaga ang hilig noong bata.
Showbiz gay, nauntog na sa mga bayarang trolls
May ibinalitang development ang isang showbiz gay tungkol sa mga bagay na personal sa kanya pero ni walang pumansin kahit na sino rito. Iyon daw pala ang dahilan kung bakit nagtanong ang gay nang “talaga bang kailangan lagi akong magbabayad”. May panahon kasing nagpapatawag siya ng mga trolls, may catering sa bahay niya at pagkatapos may malaki pa siyang pakimkim sa mga trolls niya.
Ngayon nakikita na niya ang mapait na katotohanan.
- Latest