^

Pang Movies

Martin at Regine hindi maramot sa mga baguhan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Martin at Regine hindi maramot sa mga baguhan

Regine Velasquez

Kagaya ni Regine Velasquez, inamin na rin ni Martin Nievera na sa nga­yon ay hindi na masasabing siya ang “the guy”. Siya kasi iyong “the guy” simula pa noong dekada 80 nang una siyang lumabas sa Penthouse Live at Martin After Dark sa GMA 7 noong araw. Nang magsimula ang ABS-CBN, isa si Martin sa agad nilang pinagsikapang makuha dahil alam naman nila kung gaano siya kalakas sa audience.

Si Freddie Garcia na siyang namuno sa ABS-CBN, ay galing Channel 7 at alam niya kung gaano kalakas ang hatak ni Martin. Talagang nag-standout siya nang isali siya sa noontime show ng ABS.

Pero iyon nga eh, makalipas ang ilang dekada, may mga mas batang singer na nagsulputan na magagaling din naman, at sila na ngayon ang namamayani sa corporate shows, regional concerts, at iba pa, at nawawala na nga ang attention sa mga mas beterano nang mang-aawit.

Iyong established singers natin na kagaya nina Mar­­tin at Regine, masuwerte na sila dahil kung ilang dekada nilang nahawakan ang kanilang market. Ngayon, tama lamang naman ang kanilang hakbang na hayaan naman ang mga baguhan. In fact may nagsasabi ngang medyo bumagsak ang music industry sa bansa dahil walang mga bagong singer na sumikat, at ilang dekada nang walang naririnig na iba kundi ang mga beteranong singer.

Hindi kagaya noon na ang nagpapatakbo ng industriya ay ang mga music producers, na laging tumutuklas ng mga bagong talent para mapanatiling masigla ang kalakalan sa musika. Nitong mga nakaraang dekada, ang naka-control naman ay ilang talent managers, na karamihan ay kaanak din o may relasyon sa mga singer na siyempre ay pinoprotektahan nila ang interests, kaya nga wala halos makapasok sa mga baguhan.

Napansin na rin pati iyong mga Koreano na hindi naman nila naiintindihan ang kanta dahil lang sa naghahanap nga sila ng bagong stars.

Siguro nga, dahil sa paniniwala ng iba na magagaling naman sila, at kaya pa nila, kaya nag­sisikap silang manatili sa itaas. Hindi nga nila napapansin na bumaba ang industriya dahil sa nawalan ng choice ang mga tao, after all ang sinisisi nila sa nangyayaring iyan ay “piracy”.

Magandang example ang ginagawa nina Martin at Regine, na tanggapin ang katotohanan na may mga baguhang mahuhusay din naman, at may kaka­yahan, na dapat ay bigyang pagkakataon din para sumulong ang industriya ng musika sa ating bansa.

Lumaki ang industriya sa bansa noong dekada 70 at 80, dahil noon nagpasukan ang maraming bagong talents na may mga bagong ideya sa musika. Noon din umunlad ng husto ang Pinoy music na dati ay kontrolado lamang ng iilang kumpanya ng recording.

Palagay namin iyan ang dapat na mangyari nga­yon, kailangan ng mga bagong ideya sa musika, at kai­langan ang mga bagong artist. Makakatulong ang ganyan sa ating broadcast industry kung may mga bagong tunog na maririnig sa radyo at mapapanood sa telebisyon.

Matagal na panahong naging stagnant ang industriya. Iilan na lang ang natira sa mga progresibong kumpanya noon, na karamihan ay nagsara na. At ang dahilan talaga, wala silang mga bagong artist , dahil na-control nga ng iilan ang music market.

Tama sina Martin at Regine, at palagay namin dapat ganyan na rin ang maging kaisipan ng iba pa na nagpipilit isulong pa ang kanilang career kahit na wala na.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with