Pagpapa-cute nina Miguel at Bianca pagpapahingahin na!
Napakalaki ang project na ibinigay ng GMA 7 para sa love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Ito bale ang susunod na series nila pagkatapos ng Mulawin vs Ravena. Nagkaroon na ng story conference ang bagong primetime TV series at ayon sa interview kina Bianca at Miguel sa Chika Minute ng 24 Oras, may pagka-mature ang roles na gagampanan nila. May pagka-supernatural din daw ang tema ng story na may working title na Santa Santita.
Hindi lamang iyon, binigyan ng napakalaking cast ang dalawa, sa pangunguna ni Ms. Gloria Romero, kasama sina Christopher de Leon, Jean Garcia, ang nagbabalik-Kapuso na sina Carmina Villarroel, Marvin Agustin at si Quezon City Congressman Alfred Vargas, si Jeric Gonzales at marami pang iba.
Next year na ito mapapanood, pero malamang daw na magsisimula na sila ng taping ngayon, kaya sina Miguel at Bianca, hindi na nagbakasyon at gusto na nilang pag-aralan ang characters na gagampanan nila.
Marian sumabak na sa pinakamalaking kaaway
Lumabas na si Marian Rivera-Dantes wearing her new costume bilang si Super Ma’am sa kanyang fantasy-drama series. Mas sexy ang attire niya dahil labas ang kanyang sexy waistline at ang power naman niya ay nasa kanyang mga paa, bilang iyon ang pangalawang pananggol na nakuha niya. Medyo mas mahirap ang gagawin niya rito kaya naman pinaalalahanan siya ng asawang si Dingdong Dantes na mag-ingat in executing her action scenes.
Mas gusto kasi raw niyang siya mismo ang gagawa ng stunts para hindi na paulit-ulit. Sinisiguro raw naman ng kanyang fight instructor ang safety niya bago niya gawin ang eksena. Nag-iingat daw siya sa fight scene niya sa foreign actor na si Conan Stevens, na pinakamalaki na yatang character na nakalaban niya.
Napapanood ang Super Ma’am gabi-gabi after ng 24 Oras.
Wyn nangangamoy panalo!
Si Winwyn Marquez ang first Filipina representative natin sa Reina Hispanoamericana pageant. Sa Saturday, November 4 (Sunday morning sa Pilipinas) na ang grand coronation night to be held sa Bolivia, pero ngayon pa lamang ay tumatanggap na ng mga special awards si Wyn.
According to the pageant’s official Instagram page, Wyn finished in the top 3 in the Traditional Costume category. Suot ni Wyn ang golden warrior outfit ni Edward Uy na based sa Pintados tribe of Cebu. First runner-up naman si Wyn sa Miss Personality category. Finalist din siya sa Best Smile and Miss Silhouette categories, and was named the Ipanema Girl.
Proud na proud naman na laging nagpu-post si Mark Herras ng words of encouragement and support sa kanyang pangga. Marami namang sumuporta kay Wyn sa pagboto online at sa Facebook page ng pageant at nagdadasal sila na manalo at maiuwi ni Wyn ang title bilang Reina Hispanoamericana.
- Latest