^

Pang Movies

Solenn isang oras lang nakakasama ang asawa araw-araw

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa France magse-celebrate sila Solenn Heussaff at ang mister niyang si Nico Bolzico ng kanilang first wedding anniversary.

Sa naturang bansa rin kasi kinasal ang dalawa noong nakaraang taon.

Ito na raw ang pambawi ni Solenn sa kanyang mister na paminsan-minsan lang daw niyang makasama dahil sa rami ng kanyang trabaho.

Malapit na kasing matapos ang Encantadia kaya si Nico naman daw ang aasikasuhin niya.

“It’s time for a celebration—time together, wala pa kaming time, as in I see him at night lang, one hour or pagtulog kami ganun. So, halos wala kaming time,” diin pa ni Solenn.

Ilu-launch na rin ang website nilang mag-asawa ngayong May at mapapanood daw doon ang mga funny video ng kanyang mister.

Pero palaisipan pa rin kay Solenn kung bakit marami ang natatawa kay Nico.

“Sinasabi ko kay Nico, bat tawang-tawa sa iyo. Sabi ko alam ko funny ka, pero hindi ka, pero hindi ka ganun.

“’Yung mga reactions nila I’m like hindi naman ganun ka funny.

“Sabi niya ‘why are you jealous?.’ Sabi ko ‘hindi ako jealous.’” natatawang pagtatapos pa ni Solenn.

Eugene sa Rome naman mamasyal kasama ang BF

Si Eugene Domingo na ang dapat matanghal na Kapuso Weekend Queen dahil sa magkasunod na araw na Sabado at Linggo ay mapapanood siya sa GMA-7.

Magsimula na sa June 3 ang pagbabalik ng all-original at award-winning Pinoy game show na Celebrity Bluff.

Sa muling pag-host ni Uge ng naturang show, makakasama na niya bilang isa sa mga Bluffers ay si Edu Manzano.

“Natural na komedyante si Doods. At perfect sa kanya na maging isa sa bluffers ng show kasi napapaniwala niya ang contestants sa mga sinasabi niya.

 “Magaling siyang manlinlang but at the same time, marami siyang alam sa mga trivias. Nakakatuwa at masaya ako na nakuha namin si Mr. Edu Manzano sa show namin,” ngiti pa ni Uge.

Tuwing Sunday naman ay patuloy ang pag-arangkada ng comedy antho­logy na Dear Uge na nagbibigay ng mga kakaibang kuwento na pang-good vibes.

“Sa Dear Uge kasi, we experiment not just sa mga stories, but with the artistas na lalabas sa episode.

“Dito lang sa Dear Uge, mapapanood nila ang mga artista na nagku-comedy at nakakagulat kasi different side ng pagiging artista nila ang napapanood natin.

“Tulad na lang nila Alma Moreno, Jean Garcia, Gabby Concepcion at iba pa na naging guests namin, they enjoy doing comedy at iyon ang pambenta namin,” diin pa ni Uge.

Wala naman daw magiging problema sa schedule ni Uge dahil same team of writers ang Dear Uge at Celebrity Bluff.

Muling lilipad si Uge for Italy para makasama ang kanyang Italian boyfriend na si Danilo. Mamas

Hindi naman daw kailangan magpadaling umuwi agad ni Uge dahil naka-advance taping na siya for Dear Uge at may one month episodes na siyang nagawa for Celebrity Bluff.

Sikat na author may panawagan Harry Potter prequel na P1.5 million ang halaga, nanakaw!

Nanakaw ang rare Harry Potter prequel na sinulat ng author na si J.K. Rowling sa isang postcard noong magkaroon ng pagnanakaw kamakailan sa Central England.

Humingi ng tulong si Rowling sa mga Harry Potter fans sa buong mundo na huwag bilhin ang naturang postcard kapag in-offer ito or mailagay sa auction dahil considered itong stolen property. Ang 800-word story na nakasulat sa stolen postcard ay nagkukuwento ng prequel sa Harry Potter series. Naka-set ito three years before Harry Potter is born.

Kasama pa sa untitled prequel ay ang characters nila Sirius Black at ang ama ni Harry na si James. It opens with a youthful Sirius and James cornered by two irate policemen at the end of a high-speed motorcycle chase. After an exchange of words with the policemen, the two teenagers make their escape using a touch of magic.

Sinulat pa ni Rowling sa dulo ay: “From the prequel I am not working on — but that was fun!”

Pina-auction ito ni Rowling for charity in 2008 at nabili ito for 25,000 pounds ($32,152) o tumataginting na 1,597,182php. Noong April ay may nagnakaw nito mula sa isang property in Birmingham.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with