^

Pang Movies

Mother Lily pinarangalang ina ng pelikulang Pilipino!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Binigyan ng royal treatment si Mother Lily Monteverde sa pagkakaloob sa kanyang pagkilala bilang  Ina ng Pelikulang Pilipino Award ng Film Development Council of the Philippines na pinangu­nahan si Liza Diño-Esguerra, Director at Chief Executive Officer ng FDCP.

Solo ni Mother ang stage dahil siya lang ang binigyan ng award na isinabay sa rin sa Mother’s Day celebration. Naglabas ng film clips ng ilang Regal movies at bumati ang ilang artistang kanyang natulungan.

Daig pa ni Mother ang sikat na artista pagdating niya sa Cinematheque Theater sa Manila.

“I am so touched! In my entire life, I am just a movie fan. Can you imagine now? They acknowledge me as the Mother of the movie industry? Talagang I’m so proud and we have to move on,” bungad ni Mother sa humi­ngi ng ilang pahayag niya.

Kahit matindi na ang labanan sa paggawa ng pelikula, ayon kay Mo­ ther, “‘Til the end of my life, I will always around you. I will always be your mother. Anything that you ask, basta kaya ko, gagawin ko ang lahat!”

Mahal ng Regal matriarch ang local film industry kaya patuloy siyang nagpu-produce. Nabanggit din ang kumikita niyang Mother’s Day offering na Our Mighty Yaya.

“Thank you for the support. Mayaman na ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Para sa karangalang natanggap, nagpapasalamat si Mother sa nagtatrabaho sa movie industry at sa mga Pinoy na patuloy na tumangkilik ng Regal movies, artista, directors at staff na kasama pa rin niya mula noon hanggang ngayon.

Sumaksi rin sa okasyong ‘yon ang anak ni Mother na si Roselle, directors na sina Maryo J. de los Reyes, Joel Lamangan, Jun Lana, Perci Intalan, Miko Lovelo, Joel Ferrer at trusted production heads niyang sina Manny Valera at Leah Calmerin.

Present din si Janella Salvador, press at Regal staff upang bumati kay Mother Lily.

Mabuhay ka, Mother Lily at ang Regal Entertainment, Inc.!

EUGENE todo raket para makapiling ang bf!

Labanan ang wit and humor ang aabangan sa pagbabalik sa ere ng all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff simula sa June 3.

Imagine, host ng program ang talented na si Eugene Domingo and yes, special bluffer ang magiging papel ni Edu Manzano, huh! Eh sa pagiging poker faced ni Doods, siguradong lito at lutang ang magiging contestants sa sagot niya.

Nagmarka sa manonood ang Celebrity Bluff. Sa pagbabalik nito, dama ang kaligayahan kay Uge.

“Excited na akong mag-start muli ang show. I’m in love with my work. I’m so inspired with making people happy, and I have accepted the fact na fact na fact na may mission here in life is to make people smile and feel good about everything,” pahayag ni Eugene.

Siyempre, hindi lang sa trabaho in love si Uge kundi sa amore niyang Ital­yano, huh!

Sa back-to-back pilot episodes ng CB, magiging bluffers sina Alden Ri­chards at Brod Pete. Guests contestants sa unang epi­sode sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon; Rochelle Pa­ngi­linan at Andea Torres; Sheena Halili at Jennylyn Mercado.

Sa isang episode naman, banggaan ang Kapuso loveteams na sina Kristoffer Martin at Joyce Ching; Bea Binene at Derrick Monasterio; Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with