^

Pang Movies

Veteran actor na si Romeo Vasquez maraming kakulitan noon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakalungkot malaman na namaalam na ang isang beteranong artista. Noong una ay nagduda kami sa balita dahil walang detalyeng lumabas, basta sinabi lang, namatay na si Romeo “Bobby” Vasquez sa US noong Martes, May 2.

Tapos unti-unti na ngang naglabasan ang mga detalye. Nagkaroon siya ng cardiac arrest noong araw din mismong iyon at isinugod nga sa Kaiser Permanente Hospital sa Los Angeles, California kung saan siya binawian ng buhay. Ni hindi sinabi kung anong oras siya talagang pumanaw.

Si Bobby ay magiging 79 pa lamang sa kanyang birthday na dapat ay sa Sabado, May 6.

Maraming ginawang pelikula sa Pilipinas si Bobby at kung hindi kami nagkakamali, ang hu­ling ginawa niya ay iyong role ni Lauro Vizconde roon sa Vizconde Massacre ni Carlo Caparas.

Si Bobby ay naging ka-love team noong araw ni Amalia Fuentes, na nang malaunan ay pinakasalan niya at nagkaroon sila ng isang anak, si Liezl Sumilang na naging artista rin at member pa ng MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board). Yumao na rin si Liezl. Bukod kay Liezl, may lumabas pang diumano ay anak din ni Bobby, si Joy Sumilang na naging isang sexy star noong kanyang panahon. Sinasabi nilang iyon ang dahilan kung bakit sa Hong Kong nagpakasal noon sina Bobby at Amalia, dahil may naunang pinakasalan si Bobby.

Si Bobby ay sinasabing na-discover ng director na si Armando Garces, na siyang nagdala rin sa kanya sa Sampaguita Pictures. Nakuha naman siya at nabigyan ng break hanggang sa sumikat nga bilang isang star ng nasabing studio.

Marami ring na-link na mga babae kay Bobby noong araw, natatandaan namin naging malaking tsismis pa noon ang pagkaka-link niya sa isang mataas na opisyal ng gob­yerno at sa maraming mga artistang babae, kabilang na sina Myrna Delgado, Vilma Santos, Alona Alegre at maraming iba pa.

Kung makakakuwentuhan mo ang mga old timer, marami ka pang malalamang mga kuwento ng kakulitan ni Romeo Vasquez na ikinasindak nila noon, pero pinagtatawanan na lamang ngayon, at hindi mo iisiping nagawa niya.

Tapings dapat may bantay na ambulansya

Mabuti naman at walang malubhang nangyari sa aksidente ni Gardo Versoza sa taping ng kanilang serye. Medyo nawala siya sa balance at nabagok ang kanyang ulo sa lapag. Isinugod siya sa ospital, nagawa naman ang lahat ng kailangang check at sinabi ng mga doctor na ok naman na siya.

Pero tama iyong sinasabi ng iba, dapat sa mga ganyang taping ay mayroon talagang mga professional medical personnel na naka-antabay dahil posible ang mga aksidente eh.

Malaking bagay iyong mayroon agad makapag-check, dahil posibleng kritikal ang mga oras na kailangan pang isugod sa ospital ang isang pasyente. Nakakabili nga sila ng mga mamahaling equipment eh, hindi ba puwede na magdagdag man lamang ng isang ambulansiyang naka-stand by kung sakali?

Nasasabi namin iyan dahil sa aming personal na karanasan. Inabot kami ng heart attack sa office. Mabuti mayroon kaming company doctor na nakapagbigay agad sa amin ng gamot. Nakabitan kami ng oxygen at naitakbo ng ambulansiya sa ospital, kasama pa rin ang aming doctor at dalawang nurse.

vuukle comment

ROMEO “BOBBY” VASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with