^

Pang Movies

Fans ng ibang loveteam nagpo-protesta sa Box Office King & Queen!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Medyo kontrobersyal na naman ang sinasa­bing sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nga ang Box Office King And Queen sa taong ito ayon sa deliberation ng 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Talagang kumita nang malaki iyong kanilang pelikula, pero siyempre hindi naman papayag ang fans ng ibang love teams na talo sila.

Hindi rin maliwanag kung bakit Prince of Movies si Alden Richards at Princess of Movies naman si Maine Mendoza. Wala naman silang sinabing King And Queen Of The Movies. Naguguluhan din kami kung bakit Prince Of Television si James Reid at Princess Of Television naman si Nadine Lustre, kasi wala rin ngang sinabing king and queen.

Nangangahulugan ba iyon na ang pelikula at telebisyon ay sinasabi nilang dominado na ng KathNiel kaya sila lang ang king and queen?

Kung sila naman ang king and queen, bakit lumalabas na may mas mataas pa sa kanilang dalawa? Napansin namin dumarami taun-taon ang ibinibigay nilang titles. Kung sa bagay, maliwanag naman na ang nagbibigay ng award na iyan ay isang foundation at ang kanilang ginagawang taunang award ay ang kanilang fund raising campaign para masuportahan ang kanilang foundation.

Ibig sabihin, kung mas malaki ang kikitain, mas maganda para sa kanilang foundation. Mas maraming artistang darating, mas malaki ang kita dahil mas marami ang manonood.

Hindi rin natin alam talaga kung ano ang basehan. Kinukuha ba nila ang record ng ibinabayad na tax ng mga pelikula mula sa BIR? Kinukuha ba nila ang records mula sa mga sinehan? O baka umaasa lang din sila sa nababasa nilang lumalabas sa mga diyaryo at social media, at mga press release ng mga kumpanya ng pelikula at telebisyon?

Noong araw na tawaging box office queen si Vilma Santos, gumawa muna siya ng limang sunud-sunod na pelikula na lahat ay hits, at ang bawa’t isa lumalampas sa kita ng nauna.

Iyon ang record na kanyang ginawa at maliban kung malampasan ang record na iyon, walang ibang box office queen.

Nalampasan iyan ni Sharon Cuneta, na nakagawa ng pitong sunud-sunod na hits, kaya siya naman ang tinawag na Box Office Queen.

Tapos noon wala na nga. May nagbigay na ng title base sa kumita lamang na pelikula sa taong iyon. Diyan sa box office, ang mas pinaniniwalaan namin ay iyong ibinibigay ng mga theaters’ association. Iyon ang mas credible kasi alam nila talaga kung magkano ang actual na kinikita ng mga pelikula.

Andi at Jake, bad example raw sa anak!

Pareho na nga yatang masasabing hindi magandang example sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito sa kanilang anak na si Ellie.

Hindi namin malaman kung bakit kailangan pa talaga nilang magsagutan sa social media, ganoong may kaso na naman sa korte. Bakit hindi na lang nila hintayin ang resolusyon ng korte sa mga mangyayari? Bakit kaila­ngang ibuhos pa nila ang mga galit nila sa social media, tapos sasabihin nila na pinakikialaman sila.

Eh sila iyong naglalabas sa publiko ng kanilang problema.

Sa pagsasagutan nila, hindi rin maiiwasang makaladkad ang kanilang anak na si Ellie sa controversy at ano nga ba ang magiging epekto noon sa bata?

Hindi sa nakikialam kami, at alam din naming pribado ang problema nila, kaya nga sinasabi naming hindi na nila iyon dapat pang ilantad sa publiko.

Siguro magkita sila sa isang neutral at pribadong lugar, iyong maski na magsigawan at magmurahan pa sila ay walang makikialam at walang makakarinig.

 

BOX OFFICE KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with