^

Pang Movies

Lovelife ni Eugene makulay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya naman pala blooming ang komedyante na si Eugene Domingo sa kanyang show na Dear Uge, dahil bonggang-bongga ang lovelife niya ngayon.

Kelan lang ay binisita si Uge ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Bottoni dito sa Pilipinas para i-celebrate nito ang kanyang 57th birthday.

Namataan pa ang dalawa noong nakaraang Holy Week sa isang beach resort sa Bataan.

Naging open nga si Uge sa kanyang lovelife. Noong nakaraang December 2016 lamang nang aminin nito sa media na in love siya at ang naturang Italian film critic ang nagsisilbing inspirasyon niya ngayon.

Sa Italy nga nag-spend ng Pasko si Uge kasama ang pamilya ni Danilo.

Kahit na 12 years ang agwat ng edad ni Uge at Danilo, age doesn’t matter para sa dalawa dahil natagpuan na nga ni Uge ang kanyang forever.

Masaya ang mga close friends ni Uge na umaasa sila na balang-araw ay mararanasan na nito ang ikasal in real life.

Mga anak  nina J.Lo at  baseball  player na BF,  todo-bonding 

Out in the open na ang relasyon nila Jennifer Lopez at star athlete/baseball player na si Alex Rodriguez. Magkasama ang dalawa noong nakaraang Easter Sunday sa Dominican Republic kung saan kasama rin ang twins ni J.Lo na sina Max and Emme.

Nag-stay sila sa isang villa sa Casa de Campo na ang per night at nagkakahalaga ng $10,000.

Kasama rin ni A. Rod ang kanyang dalawang anak na sina Natasha at Ella para maka-bonding ang mga anak ni J.Lo sa isang Easter Egg Hunt sa villa. Ang isang golden egg ay naglalaman ng $100, samantalang ‘yung iba ay candy lang ang laman.

“It’s so wonderful to blend the families and see them all getting along so well. They are really enjoying each other’s company and supporting each other in both family and work,” ayon pa sa rep ni J.Lo.

Sa isang interview ni A.Rod sa show na The View, sinabi niya na isang ama­zing girl si Jennifer.

“We’ve been having a great time. She’s an amazing, amazing girl.

“One of the smartest human beings I’ve ever met and also an incredible mother.”

 

vuukle comment

LOVELIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with