Sey ng anak ni Erap, Bernard ginusto ang scandal!
Nakuhanan na rin ng komento si Jerika Ejercito tungkol sa kumalat na scandal video ng dating karelasyon na si Bernard Palanca.
May anak si Jerika kay Bernard na si Isaiah who is now 3 years old.
Noong nakaraang taon pa naghiwalay sina Jerika at Bernard.
Sa isang interview kay Jerika sa isang charity event, sinabi nito na wala na raw siyang alam sa mga pinaggagawa ng ex-boyfriend niya simula noong naghiwalay sila.
“Personally, nothing kasi matagal na kaming hiwalay.
“As a mother, since may anak kami, I’m very concerned with my child.
“But luckily, my son is only three years old, so he’s not yet aware and I still got lead time to think of a proper answer when the time comes that he asks me regarding that,” pahayag pa ni Jerika.
Nag-viral sa social media noong nakaraang buwan ang isang scandalous video ni Bernard kunsaan pinapaligaya nito ang kanyang sarili gamit ang isang sex toy.
Nag-dialogue pa ang actor na “imagine this being you”.
Sunod naman na kumalat ay isang selfie ni Bernard kunsaan hubo’t hubad ito at in full view ang kanyang pagkalalaki.
Kung ano raw ang mga iskandalo na kinasangkutan ni Bernard ngayon, malamang na ginusto ito ng aktor na mangyari.
Matagal na rin daw kasi hindi nakikita o nakakausap ni Jerika si Bernard.
“Alam naman din ng iba na we’ve been separated for a very long time.
“‘Yung nangyari sa kanya, that is his very own choice, this is all his decision. Labas na ako d’yan,” pagtapos pa niya.
May anak din si Bernard sa aktres at dating asawa na si Meryll Soriano.
Pero quiet lang si Meryll tungkol sa iskandalo ng kanyang ex-husband.
Katrina babalik sa pagpapaseksi
Matagal nang hiling ni Katrina Halili na gumawa naman daw siya ng isang comedy role dahil sobra siyang nai-stress kapag kontrabida siya sa isang teleserye.
In real life raw ay komedyante si Katrina. Matagal daw niyang hinintay ang makawala muna sa mabigat na drama at light naman ang gawin tulad ng role niya sa D’Originals.
“Noon ko pa sinasabi na gusto kong mag-comedy. Ayaw nilang maniwala na magaling akong magpatawa.
“Kaya after nga noong Sa Piling Ni Nanay, nag-request ako na comedy naman ang gawin ko. Kasi nakakapagod na rin na parati akong nagagalit, pumapatay at nagtataray.
“Gusto ko maiba naman para makita nila ang fun side. Na kaya kong magpatawa naman,” ngiti pa ni Katrina.
Kaya natuwa siya nang kunin for D’Originals bilang other woman ni Jestoni Alarcon na ang misis ay si Jaclyn Jose.
Kahit na other woman ang role ni Katrina, sobra naman daw siyang enjoy kaeksena si Jaclyn.
“Sobra kaming aliw ni Tita Jane sa mga eksena namin. Minsan kami na ang bahala sa gagawin namin, basta hindi siya ‘yung over.
“Kaya ang gaan-gaan lang. Natuwa ako na natupad ang wish ko na makapagpatawa naman ako sa TV.”
Pinaghandaan daw nang husto ni Katrina ang pagsuot niya ng bikini sa naturang teleserye. Matagal din daw kasing hindi niya nagawa ito.
“Actually, ginulat nila ako kasi fourth taping day pa lang, pinagbi-bikini na kami.
“Naku, eh ang tagal kong hindi nagganyan. Tagal kong hindi nag-workout kaya medyo nawindang ako.
“Buti na lang at nadaan sa mga dayang shots. Naitawid naman namin. Pero ngayon, kailangan kong mag-gym at mag-diet ulit kasi baka gulatin na naman nila ako na magpa-sexy,” pagtatapos pa ni Katrina.
Matapos umani ng negative comments commercial ni Kendall Jenner na-pull out!
Naunsiyami ang dapat na malaking endorsement ng supermodel at reality star na si Kendall Jenner for Pepsi.
Nagdesisyon ang Pepsi na hindi na iere ang ginawang TV commercial ni Kendall dahil sa hindi magandang reaksyon ng maraming consumers.
Nag-apologize ang Pepsi company sa naging maling desisyon na gawin ang Live For Now Moments Anthem ad with Kendall Jenner.
“Pepsi was trying to project a global message of unity, peace and understanding. Clearly we missed the mark, and we apologize. We did not intend to make light of any serious issue.
“We are removing the content and halting any further rollout.
“We also apologize for putting Kendall Jenner in this position,” ayon pa sa official statement ng Pepsi para sa media.
Ang kuwento ng naturang Pepsi ad ni Kendall ay nasa isang outdoors photo shoot siya nang bilang may grupo ng protesters na nagmamartsa sa kalsada. Sumali si Kendall sa grupo at nag-offer ito ng Pepsi can sa isang police officer bilang peace offering.
Maraming netizens ang nagbigay ng negative feedback sa naturang ad. Tinawag nila itong “insensitive to the current political and racial climate, and claimed it trivialized the resurgence of protests around the world.”
Naglabas naman ng isang statement ang Pepsi regarding sa mensahe na gusto nilang ipadama sa marami.
“This is a global ad that reflects people from different walks of life coming together in a spirit of harmony, and we think that’s an important message to convey.”
Pero ang naging final decision ng Pepsi ay ang i-pullout ang ad para sa ikatatahimik ng marami.
- Latest