^

Pang Movies

Ruru parang bata ‘pag kasama si Arra

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Sa pagbisita namin sa set ng Encantadia ay nakilala namin si Arra San Agustin na lumabas bilang isa sa tagapangalaga ng mga brilyante at reincarnation ni Kylie Padilla. Kaya ang sentro ng atraksyon ni Ybrahim na ginagampanan ni Ruru Madrid ay si Arra. Sa pakikipagtsikahan sa dalawa ay halatang naa-attract si Ruru kay Arra sa tunay na buhay.

Ayaw man niyang aminin ay mukhang may pagtingin siya sa dalaga. ‘Di ba natsitsismis na break na sila ni Gabbi Garcia? Pero ayaw aminin ni Ruru ito. Sila pa rin daw at kaya hindi masyadong nagpo-post si Ruru sa social media ay dahil pinagbabawalan siya ni Gabbi at baka magtampo ang fans nila.

Nakakatuwang pagmasdan ang mukha ni Ruru na parang batang hindi makasagot sa mga tanong ng mga kasamahan sa panulat. Tawa lang ito nang tawa hanggang hinila na ng taga-production dahil kailangan na siya sa set. Mukhang magtatagal pa ang Encantadia sa rami ng pumapasok na karakter.

Nagtataka lamang kami at mukhang kapapasok pa lang ni Eula Valdez ay meron na siyang story conference ng isang teleserye sa kabilang network na naka-post sa Facebook.   

vuukle comment

ARRA SAN AGUSTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with