Cinema One nakakawili
Masyado akong nawili sa mga palabas na pelikula sa Cinema One. Ang gaganda ng palabas, first time kong ginawa ito.
Sa totoo lang hindi ako mahilig manood ng sine. English man o Tagalog ang palabas, bihira lang ako manood kaya kahit wala akong deputy card ng board of censors (MTRCB) ay okay lang, pero masarap din ang magkaroon nito bilang entertainment press, sabihin na natin na ‘pampapogi’.
For so many years, mayroon ako ng naturang ID at ngayong taon lang ako hindi nagkaroon.
Kung gusto ko man manood ng pelikula, edi sa Cinema One na lang ako manonood.
Magaganda rin naman ang mga palabas.
Napanood ko sa said channel ang Four Sisters and a Wedding movie nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao, at Toni Gonzaga, kasama pa sina Connie Reyes, Angeline Quinto, Sam Milby at iba pa.
The other day naman ay nanood ako ng Barcelona: A Love Untold. Kung saan swak na swak ang love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, hindi mo bibitawan ni hindi ko naalalang mag-lunch dahil ayoko ma-miss kahit small scene lang.
Ang ganda pala ng story, at talagang nag-enjoy ako sa panonood ng pelikulang idinirek ni Olive Lamasan.
Panunuhog ni Barbie sa 4 na lalaki, parang hindi nakakapaniwala
Tiyak malilito ka kung sino ang pipiliin mo sa apat na ka-love team ni Barbie Forteza sa seryeng Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Doschner.
Kung sakaling sabay-sabay silang magkakagusto sa ‘yo, unbelievable ito dahil parang it will never happen sa tunay na buhay!
Well, napakaganda kasi ni Billy (Barbie) kaya hindi mo masisisi ang apat na handsome boys.
Anyway, iyan kasi ang nasa script at gusto ng direktor. Laylay!
Sikat na young aktres naNgingibabaw ang pagiging sakang
Maganda ang mukha ng isang sikat na young aktres, magaling din umarte at sa tingin ko ay pwedeng siya ang susunod sa yapak ni Maricel Soriano.
Hindi kapintasan ‘yung pagiging sakang niya kaya lang, ang sakang na legs ay hindi naitatago sa haba ng isusuot na damit, e, sa mga young ones pa naman ay usong isinusuot ay mga mini dress. Hindi kaya pwede ayusin ito?
Sana po! Kasi bawas ganda points kapag ganyan ang tayo mo lalo na sa girls.
Susan may tips kung paano hindi mawalan ng pera
Totoo ‘yung sinabi ni Alex Tinsay ng Radio Cinco sa morning program nito at may program din siya sa hapon kasama si katotong Cristy Fermin, at ganun din si Erwin Tulfo at utol Ben Tulfo.
Sabi ni Alex, huwag mong sasabihin na wala kang pera, kahit barya lang ang pera mo, sabihin mo may pera ka.
Totoo po ‘yun! Kasi, magtatampo ang pera at lalo kang hindi magkakapera. Natutunan ko rin kay Ms. Susan Roces ito, kahit barya lang may pera ako sinasabi ko may pera ako.
At sabi pa ni Ms. Susan, huwag na huwag daw ilalagay ang bag sa lapag o sa baba ng iyong inuupuan. Para mas madali ang ang pagdating ng pera na kailangan mo. ‘Yun lang!
- Latest