Aktor na first time tumanggap ng malaking TF, ‘di nagbigay ng commission sa manager
Hindi na alam ng manager na ito ang kanyang gagawin dahil hanggang ngayon ay ayaw ibigay ng kanyang talent ang malaking komisyon na dapat ay para sa kanya.
Nakakuha nga ng malaking endorsement ang manager na ito para sa kanyang alagang aktor. Pumayag nga na bayaran ang aktor sa talent fee na binigay ng manager.
Kaya nagkakasarahan pa lang sila ng kontrata ay kinukuwenta na ni manager ang malaking komisyon niya sa naisara niyang talent fee ng alaga.
Ang naging mali nga lang ni manager ay hindi niya ipinangalan ang tseke sa opisina niya kundi sa pangalan ng aktor.
Kaya walang choice kundi ibigay nang diretso sa aktor ang tseke at siya na ang nagpa-encash nito at ibawas na lang niya ang komisyon ng manager.
Pero tatlong buwan na nga ang nakakaraan ay wala pa ring binibigay na komisyon ang aktor sa kanyang manager.
Naghihintay nga ang manager na kusang iabot iyon ng aktor pero mukhang dedma ito sa dapat na ibigay na komisyon.
Iniisip nga ng manager na baka akala ng aktor ay nahiwalay na ang komisyon niya at nabawas na iyon sa talent fee na nakalagay sa tseke.
Hindi nga lang alam ng manager kung paano niya sasabihin ito sa kanyang alaga at baka mag-react ito ng hindi maganda.
First time kasing nakatanggap ng gano’ng kalaking talent fee ang aktor kaya masayang-masaya ito.
Ayaw namang isipin ni manager na baka nagastos na ng kanyang alaga ang pera kaya wala nang maibigay sa kanyang komisyon.
Kaya habang wala pang naiaabot ang kanyang alaga na komisyon, nganga ang drama ng manager na ito.
Gil aminadong hirap magpaka-aktor
Inamin ng bagong Kapuso leading man ng upcoming teleserye na My Love From The Star na si Gil Cuerva na nakaramdam siya ng pressure at frustration sa kanyang pagpasok sa showbiz.
Hindi nga raw madali ang adjustment mula sa pagiging isang model at sa pagiging isang aktor.
“Acting is very new. It is a huge jump. It’s two completely different industries kasi. I modeled abroad, and as a model I’d like to think magaling akong model, that’s why I was able to work abroad.
“But, when it comes to acting, you know, siyempre wala akong experience. Kahit background role, kahit supporting role, wala.
“You know, it’s my first ever acting job, tapos lead role na. So, it was a big jump for me. And it was hard for me to start, to accept the fact na I’m not yet good at this.
“You know kasi, ganun akong tao, eh. I don’t like knowing na I’m not good at something. That’s why I choose modeling, because I knew my look hits the fashion market. When it comes to acting, I didn’t have much workshops before,” post pa niya sa social media.
Si Direk Joyce Bernal daw ang unang nakilala niya noong mag-audition siya para sa role na Mateo.
“I wasn’t expecting to get the role to begin with. I just wanted Direk Joyce Bernal to know me. So that, maybe, if may project siya the following year, she could get me a background role, or a supporting role. I didn’t think I’d get it. Kaya nung nakuha ko, it was such a big jump.”
Kim Kardashian inakalang mari-rape sa Paris
Sa bagong season ng Keeping Up With The Kardashians, ikukuwento na ni Kim Kardashian-West ang pinagdaanan niyang trauma noong pagnakawan siya at igapos sa isang luxury hotel apartment in Paris, France noong nakaraang October 2016.
Naging tahimik lang si Kim tungkol sa lahat at hinanda muna niya ang sarili, physically and mentally, sa pagkuwento ng buong-buo kung ano talagang nangyari at ano ang tumakbo sa isipan niya noong gabing iyon.
Ayon pa sa reality star, ikinatakot niya ang posibilidad na siya ay ma-rape at patayin noong gabing iyon pagkatapos nakawin ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng higit sa $10 million.
Kuwento pa niya: “And then, he grabs my legs and I wasn’t, you know, I had no clothes on under. He pulled me toward him at the front of the bed and I thought, ‘OK, this is the moment they’re going to rape me.
“I fully mentally prepped myself—and then he didn’t.
“I just knew that was the moment. They’re just totally going to shoot me in the head. I just prayed that Kourtney’s going to have a normal life after she sees my dead body on the bed.”
Nabuksan nga raw ang mga mata ni Kim sa realidad na puwedeng mangyari sa kanya ang gano’ng klaseng situwasyon, anuman ang estado niya sa buhay.
“I thought it was important to share this story through my eyes and not in an interview where my own words could be twisted.
“I took a tragic horrific experience and did not let it diminish me, rather grew and evolved and allowed the experience to teach me.
“I can say I’ve become so much better because of it,” diin pa ni Kim.
Tatlong buwan ngang iniwasan ni Kim ang public engagements, kasama na ang pag-post sa kanyang social media accounts dahil sa sobrang takot na baka sinusundan pa siya ng mga magnanakaw.
Pero nagawa pa rin ni Kim na bumangon at muling humarap sa publiko.
Sa katunayan ay may cameo role siya sa pelikulang Ocean’s Eight na tungkol sa isang jewelry heist in New York.
- Latest