^

Pang Movies

Impluwensiya ng GFMale starlet certified sugarol at baon sa utang

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Baon daw sa utang ngayon ang male starlet na ito dahil sa ka-live in partner niya na nag-engganyo sa kanya na maging isang sugarol.

Problema raw ngayon ng male starlet ang malaking utang niya na umabot na ng milyun-mi lyon dahil nahiligan nito ang mag-casino.

“Kawawa naman ang lalaking ‘yan. Imagine, nagsumikap siya nang husto para makaipon kahit na hindi na siya aktibo sa showbiz, mawawaldas lang pala ng dahil sa isang babae.

“Ngayon balitang ibinebenta na niya ang dalawang sasakyan niya. Tsaka ‘yung isang property na nabili niya dahil sa pagsusumikap niya. Lahat ng ‘yan nawala dahil nabaliw siya sa isang babae,” tsika pa ng source namin.

Masuwerte pa nga raw ang male starlet at mabait ang taong kinauutangan niya ng malaking halaga. Binibigyan siya ng sapat na panahon para mabayaran siya nito at hindi na siya idedemanda dahil sa mga kapalpakan na ginawa nito.

“Ang tsismis kasi, pera ng ibang tao ang ginamit ni male starlet sa pagsusugal niya kasama ang girlfriend.

“Sa akala ay parati siyang suwerte, ayun minalas siya. Ang masama pa nito, nakikinig lang daw siya sa mga sinasabi ng babae niya. Kapag sinabihan na siyang itigil ang bisyo niyang pagsugal, kumokontra ang girlfriend nito.

“Iba raw ang kapit ng babae sa kanya, kaya walang ibang pinapakinggan ang male starlet. Hanggang sa mabaon na ito sa utang at pera na ng ibang tao ang ipinangsugal niya,” dagdag pa ng source namin.

Ngayon ay mukhang gusto nang bumalik sa showbiz ng male starlet para kumita ulit at mabayaran ang mga utang niya.

Michael V. hindi naisip mangaliwa sa asawa

Sa tinagal-tagal ni Michael V. sa showbiz, never pa itong nasangkot sa anumang iskandalo or na-link sa sinuman sa showbiz.

Kaya magandang ehemplo si Bitoy sa mga baguhang artista na puwedeng sumikat at makilala kahit walang intriga sa buhay.

Naging faithful si Bitoy sa kanyang misis na si Carol kung kanino meron siyang apat na anak.

“Nu’ng una parang challenge lang for me na ‘oh maiba naman’ sa ibang komedyante o kaya kung eto path na tahakin ko, eh napangasawa ko si Carol, nagkaroon kami ng anak, nagkaroon uli ng isa pa, hanggang maging apat.

“Maganda ‘yung takbo ng career ko, parang hindi ka makahanap ng dahilan para magloko.

“Parang ayaw na sumagi sa isip ko, eh ang saya-saya na ng buhay ko para kang kumuha ng bato na ipupukpok sa ulo. Hindi worth it, hindi worth it,” ngiti pa ni Bitoy.

Twenty one years na nga si Bitoy sa GMA-7 at hindi nito binalak na lumipat sa ibang istasyon dahil wala siyang naging reklamo sa pag-aalaga sa kanya ng Kapuso Network.

 

vuukle comment

LIVE IN PARTNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with