Janice parang painting na hindi natapos
MANILA, Philippines - Maraming hindi agad nakakilala kay Janice De Belen, may pulang buhok kasi siya at nakakahawig ng isang dating government official.
May mga nagtatanong, sino raw kaya ‘yung hairstylist ni Janice sa Destined To Be Yours? Nakakadismaya raw kasi ang hitsura nito na akala mo ay painting na hindi tinapos.
Malaking sagwil daw ang hitsura ng buhok nito kapag nagdadrama na sa halip maawa ka ay matatawa ka pa raw.
Sa isang banda, magaling na artista si Janice at kaya niyang gampanan ang anumang papel kahit pa nga pula ang kanyang buhok.
Donita at Tekla ‘di umubra sa mga Arabo
Nakapanlalaking outfit sina Donita Nose at Supek Tekla nang mag-show sa Abu Dhabi ang Wowowin.
Maging ang mga dancer ni Willie Revillame ay mahahaba ang damit at wala ni isa ang nagpakita ng split dance.
Masaya ang mga OFW sa kanilang napanood. Tuwang-tuwa sila pero wala pa ring kapares dito sa Pilipinas kung saan may mga babaeng gumagapang, nagluluka-lukahan at sinasabunutan ang buhok para lang mapansin.
Bawal ang pagpapakita ng cleavage at hita sa Abu Dhabi maging ang malalaswang bakla.
- Latest