^

Pang Movies

Career ng aktres na nanahimik nagbabadyang mabuhay pag nagpakita ng laman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May offer sa isang aktres na mag-pose ng sexy para sa isang men’s magazine. Hindi pa tinatanggap ng aktres ang alok dahil afraid siya na magpaseksi, kahit alam niya na malaki ang maitutulong sa kanyang nananahimik na career.

Maganda pa rin ang mukha at katawan ng aktres na matagal nang hiwalay sa asawa niya. May mga nagsasabi sa aktres na patulan ang tempting offer dahil uso ngayon sa mga aktres na sumikat noong dekada ‘80 at ‘90 ang magpaseksi sa mga pictorial at pelikula na mapapatunayan nina Alice Dixson at Ina Raymundo.

Muntik nang i-launch noon ang aktres ng isang major film production sa isang malaking project pero naunsyami ang kanyang solo movie dahil biglang sumikat ang aktres na halos kapareho ng pangalan niya.

MMFF aagahan ang launching

Kahapon ang unang pagtatagpo ng mga bagong miyembro ng Exe­cutive Committee ng Metro Manila Film Festival.

Member na rin ng MMFF ExeCom si Noel Ferrer na representative ni Quezon City District V Congressman Alfred Vargas. Si Noel ang nagpadala sa entertainment press ng mga impormasyon tungkol sa mga naganap sa first meeting at ito ang mga sumusunod.

“There was an Introduction of the new MMFF Execom; A r esolution was passed recognizing the valuable contribution of the past MMFF EXECOM and Committee Members (inclu­ding Senator Sonny Angara, Congressman Alfred Vargas, Moira Lang, Ed Cabagnot and Atty Toto Villareal);  BENEFICIARIES - Roughly 12M will be distri­buted to the ff. beneficiaries - MOWELFUND - 50%, Film Academy of the Phil - 20%,  Movie Industry Anti-Piracy Organization -20%, Optical Media Board - 5%, FDCP - 5%; 

“There is already an Executive Order sent to the Office of the President that will officially declare the MMFF duration from Dec 25-Jan 7 just waiting for the “President’s signature. The office of Senator Grace Poe will also try to take it up in the Senate;
“The MMFF Parade of Stars will be sponsored by the City of Muntinlupa which is celebrating a milestone in their cityhood. 

“A RULES COMMITTEE has been set up which  will draft the set of rules for this year’s festival ... All these rules shall be laid out  on APRIL 7 - the official launch of MMFF 2017.

“MMFF Chair Tim Orbos reiterates that the substantial change in the MMFF last year would continue to be the standard this year, which is to produce quality and commercially-viable movies.”

Si Papa Tim ang pumili sa mga member ng MMFF ExeCom 2017 na dati nang umupo at malaki ang naitulong sa Metro Manila Film Festival.

Mga bagong member sina Congresswoman Vilma Santos-Recto at Senator Grace Poe na parehong lumaki sa showbiz kaya alam nila ang mga problema ng local movie industry.

Hindi nagkamali si Papa Tim sa appointment niya sa Star for All Seasons at sa anak ng King of Philippine Movies dahil malaki ang malasakit nila sa industriya na minahal sila.

NOEL FERRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with