^

Pang Movies

Award giving bodies kailangan ng batas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Dapat bang magkaroon ng isang batas para ma-regulate ang mga award at magkaroon ng basehan ang lahat ng mga reklamo?

May nagtanong nga sa amin, ano ang nangyari talaga noon sa sinasabing ‘Manila Film Festival scam’ kung saan pinalitan ng pangalan nina Gabby Concepcion at Ruffa Gutierrez ang mga tunay na nanalo?

Kung iisipin malabo iyon eh, kasi nga wala namang batas na sumasaklaw sa mga award. Ang natatandaan namin, nagsampa sila ng kasong “estafa” dahil sabi nila mayroon daw cash prize na involved. Pero alam natin na hindi naman iyong cash prize ang dahilan kung bakit nangyari iyon.

Nagkaroon lang ng pressure. Ipina-ban ng noon ay Mayor Alfredo Lim ang lahat ng mga pelikula ni Ruffa Gutierrez sa mga sinehan sa Maynila. Aminin natin, nakasira iyon sa career nina Ruffa at Gabby, pero may batas bang nagtatakda noon?

Marami pang kaso ng dayaan sa mga award. Maraming kaso ng ‘lagayan’ at iba pang pandaraya sa mga award. At ano nga ba ang sinasabi natin? Iyon ay immoral, pero hindi illegal. Wala kasing batas na nagtatakda ng anumang alintuntunin sa awards. Kahit sino ay maaaring magbigay ng awards.

Ngayon maski na anong grupong hotoy-hotoy basta naisipang magbigay ng awards kahit na wala namang nalalaman at kinalaman sa industriya ay maaaring magbigay ng awards. Ang movie fans ay nagbibigay na rin ng awards at hindi mo iyon makukuwestiyon dahil choice nila iyon.

Iyong gobyerno na dapat sana ay neutral at nagbibigay ng encouragement sa lahat na gumawa ng pelikula, nagagamit din para magbigay ng awards sa gustong paboran ng ilang leaders. Ano ba iyan?

Rufa kakaiba ang parenting goals

Natuwa kami sa statement ni Rufa Mae Quinto na gusto niyang lumaki sa Pilipinas ang anak niyang si Athena Alexandria. Gusto raw kasi niyang ang makagisnan at makaugalian ng kanyang anak ay ang values ng mga Pilipino. Naniniwala pa rin si Rufa Mae na mas maganda ang values na natututuhan ng mga bata rito sa atin kaysa sa mga batang lumaki sa ibang bansa.

Totoo naman iyan. Naging magulo at kung anu-ano na ang ginagawa ng ating mga kabataan dahil sa natututuhan nilang pamumuhay ng mga kagaya nila sa ibang bansa. Iyang droga, hindi naman likas sa Pilipinas iyan eh. Saan ba nagsimula ang paggamit ng droga?

Kaya tama na imulat natin ang mga kabataan sa values talaga nating mga Pilipino para hindi sila lumalaking bastos.

Marx kumakawala na kay Maxine

Mahusay naman palang umarte iyong si Marx Topacio. Ok din naman ang rehistro niya sa TV screen. Napanood namin iyong initial appearance niya noong isang gabi sa Encantadia. Mukhang unfair naman iyong lagi siyang identified na “boyfriend ni Maxine Medina”. Pabayaan naman nating magkaroon ng sariling identity iyong tao.

Isa siyang kilalang modelo, in fact noong nakaraang taon, siya ang tinawag na Philippine Male Model of the Year. Lumabas na rin naman siya sa TV dati, pero siguro nga ang pinakamalaking break niya ay ang Encantadia.

MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with