Jao mabenta ang mga painting
MANILA, Philippines - Epektibong kontrabida si Jao Mapa. Kasama si Jao sa cast ng My Dear Heart na tinatampukan nina Zanjoe Marudo at Bela Padilla. Marami ang natutuwa na balik-teleserye si Jao dahil matagal din siyang nawala at nagnegosyo. Subalit hindi raw matiis ni Jao na hindi magbalik-showbiz noong alukin siya ng Kapamilya network sa role na kontra kay Zanjoe.
Bukod sa pag-arte ay isa ring magaling na singer at painter si Jao. Nakapag-exhibit na siya ng mga painting sa Makati noon at laking tuwa niya nang mabentang lahat ng painting. Nagtapos sa University of Santo Tomas ang actor.
Rey Valera nangharana
Sa Sunday fiesta ng Bustos, Bulacan na tatampukan ng iba’t ibang mga palaro at street dancing at lalahukan ng senior citizens, May iba’t ibang pagtatanghal ding mapapanood sa Bustos park. Katatapos lang haranahin ng pamosong singer na si Rey Valera ang mga tagahanga niya roon sa gabi ng Inipit festival.
Magkakaroon naman ng prusisyon ang Sto. Niño, ang patron saint ng naturang bayan sa umaga at gabi.
Dayong pulubi sa Baliuag dumarami!
Patuloy naman sa pagganda ang bayan ng Baliuag, Bulacan na bayan ng yumaong komedyanteng si Bert Marcelo at ngayon ay gumagawa ng pangalan sa comedy na si Empoy Marquez.
Nakaka-turn off lang, bakit ganun at dumarami yata ang pulubing nagkalat sa park at palengke ng Baliuag. Siguradong hindi sila taga-Baliuag at dayo lang sa nasabing bayan.
Paging DSWD, saan po ba sila nanggaling?
- Latest