Spiritual adviser ni AiAi namaalam na!
Pumanaw na kahapon si Fr. Erick Santos, ang pari na kilala sa showbiz industry at matalik na kaibigan ni AiAi delas Alas. Bago pa nagkaroon ng singer na Erik Santos, may Fr. Erick Santos na ang Catholic Church.
Huli kaming nagkita ni Fr. Erick nang igawad kay AiAi ang Papal Award nito noong November 2016. Kahit mabigat ang pakiramdam, hindi puwedeng ma-miss ni Fr. Erick ang malaking okasyon sa buhay ni AiAi.
Bukod sa magkaibigan sila, spiritual adviser ni AiAi si Fr. Erick na kabilang sa mga pari na nagsulong para mabigyan ng Papal Award ang Comedy Queen.
Matagal nang may karamdaman si Fr. Erick pero gumaling siya.
Isa si AiAi sa mga tumutulong kay Fr. Erick sa tuwing nako-confine ito sa ospital.
Noong malakas pa si Fr. Erick, siya ang palaging iniimbitahan na magdaos ng Holy Mass dahil malakas ang kanyang sense of humor at hinahaluan niya ng comedy ang mga pangaral. Comedy na nakakatawa at hindi nakaka-offend.
Si Fr. Erick ang nagmimisa sa mga pagtitipon ng mga miyembro ng Oasis of Love Catholic Community na itinatag noon ni Christopher de Leon.
Tiyak na mami-miss si Fr. Erick ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ang mga pinasaya ng mga homily niya na punumpuno ng wisdom.
Loren wala pang plano pagkatapos sa senado
Invited ako kahapon sa belated birthday treat ni Mother Lily Monteverde para kay Senator Loren Legarda pero hindi na ako nakapunta, kahit panay ang tawag ni Ricky Lo sa cellphone ko.
Noong January 28 ang actual birthday ni Mama Loren na 57 years old na pero bagets na bagets pa rin ang hitsura.
Last term na ni Mama Loren bilang senador pero hindi pa niya sinasabi ang kanyang mga balak sa 2019.
Willie inaabangan sa Middle East
Hindi lamang ang concert nina James Reid at Nadine Lustre sa May ang inaabangan ng mga kababayan natin sa Middle East dahil excited din sila na makita nang personal si Willie Revillame, ang host ng Wowowin, ang top rating game show ng GMA-7.
Lilipad sa Abu Dhabi sa darating na linggo si Willie at ang mga co-host niya para maghatid ng saya sa mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho doon.
Ang GMA Pinoy TV ang magdadala ng Wowowin sa Abu Dhabi at hudyat ito ng worldwide tour ng game show ni Willie.
Ang Abu Dhabi National Centre ang venue ng Wowowin show sa February 17. Dalawang beses ang show ng Wowowin sa isang araw, 1 p.m. at 6 p.m., para ma-accommodate ang libu-libong Pinoy na gustong mapanood ng live ang sikat na game show ni Willie.
- Latest