Dennis at Jennylyn nagwawaldas sa Finland
Walang pakialam sa gastos sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado basta masaya silang nagbabakasyon. Kainggit-inggit nga naman ‘yung photos ng lugar ng pinagbakasyunan nila, huh!
Nasa ibang bansa ngayon ang lovers pero wala silang binabanggit na destinasyon. Sa mga Instagram post ni Jen, picture lang ng lugar ang nakalagay pero walang location gaya ng isa niyang ang caption lang ay, “Let it snow…let it snow…let it snow…”
Ang followers lang nila ang nagsasabi kung nasaan ang dalawa base sa picture na nakalagay sa IG ng Ultimate Star. Binuking nilang nasa Finland ang dalawa upang masaksihan ang Northern Lights o mas kilala na Aurora Borealis.
May pera at mabenta sa trabaho sina Den at Jen. So gumastos man sila ng malaki sa bakasyon, sulit naman ‘yon lalo na’t silang dalawa ang magkasama, huh!
Vin kino-consider na blessing ang magiging anak ni Aljur
Ex-lovers turned friends na sina Vin Abrenica at Sophie Albert na produkto ng Artista Academy ng TV5. Ngayon ay magkapareha sila sa Gil Portes movie na Moonlight Over Baler ng T-Rex Films.
“We separated naman together na nag-usap kami. Wala kaming pinag-awayan. Walang any other third party. Ang pinag-usapan namin is for our careers talaga.
“Sinabi namin na magseseryoso kami. I want to be best version of myself first before…That’s the greatest gift I can give to my love ones eh. Para sa akin ganoon.
“Isa ‘yon sa main reasons, actually, na we decided to go our separate ways. Pero now, magkasama kami. We’re still close. We have a lot of mutual friends. We still go out. Ang commitment lang is not there,” paliwanag ni Vin bago ang grand presscon ng pelikula sa Limbaga 77.
Bago lumipat ng ibang network ay hiwalay na raw sila ni Sophie. Pero nakikita silang magkasama pa rin.
Kaya may tsismis daw na nagli-live in na sila ni Sophie, huh!
“Sino ang nagsabi? Kung sinuman ang nagtsitsika na live in kami, bago siya magsalita ng ganoon, I think naman, isipin niya ang sinasabi niya. I can invite you guys sa bahay at wala kayong makikitang gamit ni Sophie.
“I’m alone but happy!” rason ng younger brother ni Aljur Abrenica.
Teka, ano pala ang naging reaksyon niya ngayong buntis na si Kylie at engaged na sa kanyang Kuya Aljur?
“A baby is always a blessing. A blessing for the family at sa new phase sa buhay,” tugon ni Vin.
Wala namang bayolenteng reaksyon ang parents niya. “Hindi sila nalungkot. I think Kuya naman is in the right age. He’s 26 and he can do what he wants,” katwiran niya.
Paano niya nalaman?
“I’m super busy at nang malaman ko ‘yan and I saw all the bashing, what I can say is para sa akin. Wag na nilang pakialaman. Wag na lang silang magsabi ng negativity.
“For me, number one, they don’t care. They’re happy and the baby is always a blessing and it’s unfair not only to both of them, it’s so unfair for the baby!” deklara ni Vin.
- Latest