^

Pang Movies

Walang kokontra Miss Universe ginawang holiday ng mga bakla!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Walang kokontra Miss Universe ginawang holiday ng mga bakla!
Maxine Medina

Hindi special holiday ngayon pero nagdeklara ng sariling holiday ang mga baklita dahil mortal sin na ma-miss nila ang mga mangyayari sa grand coronation ng 65th Miss Universe.

Ang huwag munang pumunta sa kanilang mga favorite beauty salon ang advice ko sa lahat dahil baka hindi kayo maasikaso ng inyong mga suki na make up artist, hairstylist, manicurist at pedicurist dahil magiging busy sila sa panonood ng Miss Universe. Baka kayo pa ang mapagbuntunan ng kanilang pagkaimbyerna kapag hindi nanalo ang mga bet nila.

Puntahan n’yo na lang ang inyong mga paboritong beauty parlor pagkatapos ng live telecast ng 65th Miss Universe pero mag-expect kayo na ‘yon pa rin ang topic ng mga empleyado.

Para ‘di pumalpak Miss USA guguwardiyahan si Steve Harvey

Nagbiro si Miss USA at Miss Universe 2015 2nd runner up Olivia Jordan na tutulungan nito si Steve Harvey sa announcement ng winner para sure na hindi na magkakamali ang American TV host tulad ng nangyari sa 64th Miss Universe noong December 20, 2015.

Buhay na saksi si Olivia sa kapalpakan ni Steve kaya may karapatan siya na magbiro na tutulong sa announcement ng nanalo.

Dumating si Steve sa Pilipinas noong Sabado, sakay ng isang private plane. Hindi na nagpahinga si Steve dahil kailangan  siya sa rehearsal ng Miss Universe sa Mall of Asia Arena.

Sushmita nagulat sa rami ng katukayo sa ‘Pinas

Lalong tumalino si Miss Universe Sushmita Sen sa pagsagot sa interbyu sa kanya ni Jessica Soho na napanood kagabi sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Eighteen years old si Sushmita nang manalo siya na Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong 1994.

Surprise winner si Sushmita dahil iba ang hinuhulaan na mag-uuwi ng korona pero bumilib ang judges sa katalinuhan niya.

Ang akala ng lahat, hindi na marunong magulat si Sush­mita.

Ang cute ng reaksyon niya nang ipakilala sa kanya ni Mama Jessica ang Pinay girls na Sushmita ang name at ipinanganak noong araw na manalo siya na Miss Universe.

May ikukuwento si Sushmita sa pag-uwi nito sa India dahil sa kakaibang karanasan niya nang interbyuhin siya ni Mama Jessica.

Lampas na sa anim na milyon ang bilang ng Facebook followers ng Kapuso Mo Jessica Soho na nananatiling favorite show ng mga Pilipino dahil sa hindi matatawaran na husay ni Mama Jessica at ng kanyang staff.

Pilar naaalala kay Sushmita

Si Pilar Pilapil ang naalaala ko nang mapanood ko ang interbyu ni Mama Jessica kay Sushmita Sen.

Hindi nagkakalayo ang mga mannerism nina Pilar at Sushmita kapag nagsasalita at halos pareho ang timbre ng kanilang mga boses.

Gaya ni Sushmita, beauty queen at intelligent din si Mama Pilar na colorful ang buhay.

Si Pilar ang Bb. Pilipinas Universe 1967 pero hindi ako sure kung may video footage ng pagsali niya sa Bb. Pilipinas at Miss Universe noong 1967.

Masuwerte si Gloria Diaz dahil napapanood pa rin sa Internet ang video nang mag-win siya sa Miss Universe noong 1969, kahit black and white ito.

Noong dekada ’60 at ’70, mga kolehiyala ang mga sumasali sa Bb. Pilipinas at galing sila sa mga buena familia.

Hindi kagaya ngayon na mga model ang karamihan sa mga contestant at winners ng mga beauty pageant kaya sumasablay sila sa mga sagot nila sa question and answer dahil ganda at tangkad lang ang kanilang mga puhunan, hindi intelligence. Hindi ko nilalahat at wala akong pinatatamaan ha?

vuukle comment

SUSHMITA SEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with