^

Pang Movies

Maxine kailangan ng tulong!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tututukan sa Lunes, January 30, ang Pilipinas ng buong mundo starting 8:00 AM dahil ito ang simula ng Miss Universe 2016 coronation night sa Mall of Asia Arena in Pasay City. Kaya ngayon pa lamang ay aligaga na ang supporters ng 87 candidates mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa sa hinihintay ay kung sinu-sino ang papasok sa Top 12 through vo­ting. Kung gusto ninyong bumoto, mag-download lamang ng Miss U application.  Puwede raw bumoto ng ten times a day.

Muli kayang tulungan ng AlDub Nation (ADN), fans nina Alden Richards at Maine Mendoza, si Maxine Medina? Natatandaan namin na noong lumaban si Pia Wurtzbach sa Miss Universe ay tumulong sa pagboto ang ADNs dahil best friend ni Pia si Dabarkads Pauleen Luna-Sotto. Nang manalo si Pia ay open ang pasasalamat niya sa ADN sa kanilang mga boto.

Si Maxine ay pinsan ni Diane Medina, ang girlfriend ni Rodjun Cruz na Kapuso at close friend nina Alden at Maine. Noong Thursday evening habang nanonood si Maine ng Miss Universe Preliminary Competition, nag-tweet ito ng “Go Ma­xine! Kering-keri! #Miss Universe #Philippines”.

Early favorite na si Maxine sa Miss Universe Preliminary Competition kung saan nagsuot ang candidates ng kanilang national costume, long gown, at swimsuit.

Kylie tuloy sa Encantadia kahit buntis

Hindi na nga inilihim ni Kylie Padilla ang tungkol sa pagbubuntis niya ng first apo nina Robin Padilla at Liezl Sicangco. Pero maraming tanong ang netizens na sumubaybay sa Thursday episode ng Encantadia na namatay na ang character ni Kylie bilang si Hara Amihan. Ayaw nila na may mamatay sa apat na Sang’gre kaya tanong nila kung bakit daw hindi ginamit ng mga Sang’gre ang kanilang mga brilyante para labanan ang mga Hathor at Hadezars. Tinanong namin ito kay Direk Mark Reyes at sabi niya, ang pagkamatay daw lamang ni Amihan ang makapapatay sa Hadezars. So, hindi na raw ba babalik si Kylie sa Encantadia na sinagot muli ni Direk Mark na “This is not the end of Kylie in the show.  Keep believing in the power of Encantadia.  We still have a lot of magic to do.”

Dagdag pa ni Direk Mark: “Kylie Padilla will still portray Amihan as long as she can.” Ibig sabihin kahit preggy na nga si Kylie kung kaya pa niyang mag-taping, hindi siya mawawala sa telefantasiya. Nangyari iyan kay Dawn Zulueta nang siya ang maging Reyna Minea sa Encantadia 2005 at nagdalangtao sa panganay niyang si Jacobo. Nag-taping pa siya hanggang kaya pa niya.

vuukle comment

MISS UNIVERSE 2016

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with