^

Pang Movies

Lagi sa abroad Dennis at Jennylyn hindi nakakataka kung mabubuntis

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Lagi sa abroad Dennis at Jennylyn hindi nakakataka kung mabubuntis
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado

Bakasyon pa more ang lovers na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado matapos maging bahagi ng Kapuso show sa California last weekend.

Sa Instagram post ni Jen kahapon, walang binanggit na destinasyon kungdi ang location niyang Hamad International Airport sa Doha, Qatar.

Sa Middle East/UAE, madalas ang lay over papuntang Europe. Eh plano ni Dennis na magkaroon muna ng maiksing bakasyon sa Europe bago humarap sa trabaho pagbalik.

Buti na lang, hindi nabubuntis si Jen kahit ilang beses na silang nagliwaliw sa ibang bansa ni Dennis, huh!

Consenting adults na naman sila so walang problema kung mangyari ‘yon. Look at Kylie Padilla. Ngayon, may timeline na binanggit sa interview si Aljur Abrenica upang bigyang-katwiran na engaged na at live in na sila ni Kylie kaya posibleng mabuntis, huh!

Puwes, maging consistent siya sa timeline niya, huh!

Yasmien ibinulalas ang sex life sa pilotong asawa

Hindi kasama ni Yasmien Kurdi ang asawang piloto nang mag-cele­brate siya ng birthday last January 25. Nasa biyahe raw ito papuntang Saigon at baka madaling-araw pa makauwi.

Subalit wala sa plano nilang mag-asawa na sundan ang panganay na babae. Pero malaki ang ipinagbago niya mula nang mag-asawa’t magkaanak.

Wala naman bang ibang babae ang asawa? Ano ba ang sikreto ng kanilang pagsasama?

“Wala naman po! Ha! Ha! ha! Trust siguro at saka space. Space, trust. Ibig sabihin pag work niya, kailangang maintindihan mo about it. Kailangan understanding ka. Lagi naman siyang umuuwi at sabik siyang umuwi,” sey pa ng Kapuso actress.

Piloto rin ang dating asawa ni Sunshine Dizon. Pero hiwalay na sila ngayon.

“Ayoko naman kasing i-generalize. Iba-iba naman ang tao. Busy kasi si Rey so I guess hindi ano. Siya naman yata hindi busy kaya marami siyang time! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Yas.

Pero nagsi-sex pa rin sila ni Rey?

“Oo naman po!” bulalas niya. “Oo naman po. Mahirap pag nawala ‘yon!” diin pa ni Yasmien.

Anong best time for sex sa kanya?

“Anytime!” game na sagot ni Yasmien. “Akala ninyo hindi ako sa­sagot, huh!” dugtong pa ng Kapuso actress.

 

 

DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with