Perfect daw ang GF Marlon Stockinger inangkin na talaga si Pia!
Ipinaalala ni Marlon Stockinger na sa kanya si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nakatakdang ipasa ang korona more than a week from now. Nagkaroon siya ng one on one interview kay Ms. Dyan Castillejo at binanggit na “She’s mine.”
Ayon sa car racing driver, perfect ang kanyang girlfriend at 100% real.
“It’s so easy to like Pia. She has been perfect. What you see is what you get. She is 100% real.
“I’m very happy. I can’t ask for more. It’s just getting better and better,” pahayag pa ni Marlon sa interview.
At kahit wala raw nakaputong na korona kay Pia, gusto niya pa rin ito.
Ano nga ba ang pinakagusto niyang qualities sa Miss U na GF, “Obviously, she’s beautiful... But aside from that, she is unfiltered and really straightforward.”
Magkasamang nag-New Year ang dalawa sa Hawaii at naunang umamin si Pia sa kanilang relasyon.
Anyway, nasa Pico de Loro ang ilang kandidata ng Miss Universe kahapon at kasama si Pia sa mga naglayag from Manila to Batangas sakay ng Happy Life Yacht ni ex-governor Chavit Singson.
- Latest