^

Pang Movies

Pia hinihintay kung babalikan ang showbiz pagkapasa ng korona

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Tanong ko lang, Salve A., if after her reign as Miss Universe 2016 on January 30, Pia Wurtzbach will resume her showbiz career. Kilala sa kanyang screen name na Pia Romero, Pia was a Star Ma­gic talent.

Both Gloria Diaz at Margie Moran, na parehong Miss Universe titlists, Gloria in 1969 at si Margie, 1973, ay sinubukan ang showbiz.

Magpahanggang ngayon ay aktibo pa rin si Gloria, whose first movie was Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa, which the late Celso Ad Castillo directed. Katambal niya sa pelikula ay ang late macho actor na si Vic Vargas, na kung ilang taon ding na-link sa kanya.

Si Victor Laurel ang leading man ni Margie sa unang pelikula nito.

Arci kaibigan pa rin ang ex

Inamin na verbally ni Arci Muñoz na yes, break na sila ng kanyang boyfriend of three years, ang rock star na tulad niya, si Badi del Rosario, whose Dad is Brunei’s Prince Jefri Bolkiah.

But it was an amicable break-up daw. In fact, nanatili raw silang good friends.

Sa tanong ni Boy Abunda, nang mag-guest si Arci, sa kanyang late night show na Tonight With Boy Abunda, kung may posibilidad na magkabalikan sila, ang sagot ni Arci, ‘di raw niya masiguro. Pero ang tiyak daw niya, magkabalikan man sila o hindi, they will remain good friends.

Showing na pala ang new movie ni Arci na Extra Service, in theaters nationwide simula pa noong Wednesday. Happily, ani Arci, it’s doing well at the tills.

Directed by Cris Martinez and co-produced by Star Cinema and Starlight Films, tampok din sa pelikula sina Jessy Mendiola, Coleen Garcia, Vin Abrenica, Enzo Pineda, at Ejay Falcon.

Bryan Termulo gustong ituloy ang pagiging teacher

Hindi tulad ni Coco Martin, who specified that he will probably marry at age 40 (he’s now 35 years old), singer Bryan Termulo said baka in his 30’s pa lang ay mag-asawa na siya.

Now 28 years old, type niya raw na magkaanak agad nang sa ganun ma-enjoy niya ang kanyang mga anak at an early age.

Ganunpaman daw, wala raw siyang steady girlfriend sa kasalukuyan. Gusto kasi niyang mag-focus ngayon sa kanyang singing career. Lalo pa nga at lately, the Megasoft Hygenic Products, Inc., is tasked him to act as their newest brand ambassador.

Megasoft Hygenic Products, Inc., of course, has a line-up of products, which cater to babies, mga pambabae, tulad ng sanitary napkins, at pang may edad na, tulad ng Grand Adult Diapers.

But as ambassador of the company, he will not directly sell ng mga nabanggit na produkto ng kompanya, instead, they will sponsor his tour sa mga school sa iba’t ibang probinsya, primarily to instill sa mga isipan ng mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon.

Called School is Cool, which Bryan considers an advocacy of sorts, he and his Megasoft group have so far, visited 19 schools sa iba’t ibang cities, municipalities at probinsya sa Luzon, the Visayas, and Mindanao.

They made sure to give due recognition to outstanding students and teachers of each school they visited.

In time, according to Bryan, he might go into teaching. Isang graduate ng Communication Arts from the Trinity University of Asia, he recently completed his supplementary education and is only a board exam away, para maging isang high school teacher.

DK ni Julia hindi na naman tuloy ang ending

Quiet si Julia Montes sa tunay na dahilan kung bakit from Star Magic, nag-decide siyang lumipat sa Cornerstone, talent agency na mina-manage ni Erickson Raymundo. Basta ang mahalaga raw, magalang siyang nagpaalam kina direk Johnny Manahan at Mariole Alberto, na siyang namahala ng Star Magic, talent arm ng ABS-CBN.

Overwhelmed si Julia sa mga magagandang kaganapan sa kanya, personal man o professional sa nakalipas na taon. Ang kanyang serye na Doble Kara, where she plays the title role, continues to do the ratings. Kaya, extend daw up to April ang airing nito.

Finally na-meet na rin niya ang kanyang German Dad, si Martin Schnittka, na ‘di pa niya nasisilayan since ipinanganak siya.

His Dad came over to the country with his wife and step sibling purposely to meet her. Nag-promise ito na babalik ng Pilipinas when Julia marks her 21st birthday sa March.

On her current ongoing romance with Coco Martin, Julia chose na huwag mag-comment.

vuukle comment

PIA ROMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with