^

Pang Movies

David Blaine pumalpak ang magic, bala ng shot gun diretso sa lalamunan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik nang ikamatay ng magician and illusionist na si David Blaine ang isang deadly trick stunt na kanyang ginawa kamakailan.

Sa isang video ng kanyang nakakatakot na stunt, dapat ay sasaluhin niya ang isang bala na nagmula sa isang shot gun sa isang maliit na cup na nasa bibig niya. Hawak niya ang tali na nakakabit sa trigger ng nasabing shot gun.

Pero ang nangyari ay na-shatter ang shield na nasa ilalim ng cup dahil sa lakas ng impact. Kaya ‘yung bala ay tumagos sa cup at dumiretso ito sa kanyang lalamunan.

Ginawa ito ni Blaine noong nakaraang November 2016 sa MGM Garden Arena sa Las Vegas at ngayon pa lang ito ipinalabas sa programang Beyond Magic sa ABC.

Inakala ni Blaine na patay na siya dahil pumalpak siya sa kanyang ginawang stunt.

“When the bullet struck the cup, there was a high-pitched ringing in my ear. I felt an impact on the back of my throat.

“I was sure the bullet went right through my head and that I was dead.

“Suddenly, I became aware of the pain, and it brought me back.

“At that moment, I realized that the mouth guard had shattered again, and I was alive.”

Noong 2010 pa raw ginagawa ni Blaine ang trick stunt na ito. Ngayon lang daw nangyari na na-shatter ang cup na muntik na niyang ikamatay.

Mayor Bistek dini-discourage ang mga anak na tularan siya

As much as possible ay hindi ini-encourage ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na pasukin ng kanyang mga anak ang showbiz or ang politics.

Mas gusto ni Mayor Herbert na mag-concentrate sa kanilang pag-aaral ang kanyang mga anak para kung ano ang gusto nilang gawin pagkatapos nila ay magagawa nila.

Pero wala ngang magawa si Mayor Herbert dahil pinalaki niya ang kanyang mga anak sa mga kinita niya sa showbiz at politics. At nasa dugo rin ng kanyang mga anak ang pagiging artista kaya hindi niya ito mapipigilan.

Pinasok na rin kasi ng isa pang anak ni Mayor Herbert ang showbiz at ito ay ang 12-year old son niyang si Harvey Bautista na introducing sa horror film na Ilawod.

“Sa totoo lang, dini-discourage ko talaga sila.

“Pero wala, eh, nasa dugo talaga. My whole family is in showbiz kaya pati na mga anak ko, nahawa na.

“Nakaka-surprise ay lahat pa naman sila, gusto nilang maging direktor. Namana nila sa tatay ko (Butch Bautista). Ako nga, hindi ko pinangarap iyon. Mga anak ko na ang may gusto,” sabay tawa pa niya.

Mas okey na raw kay Mayor Herbert na sa showbiz na lang ang mga anak kesa sa politics.

Ayon sa kanya, mahirap kapag nasa mundo na ng politics. Mas marami raw gustong kumalaban sa iyo sa hindi magandang paraan.

“It’s better na mag-artista na lang sila kesa maging politicians.

“Grabe sa mundong ito. Kinaya ko lang talaga dahil sa hangad kong maka-serve sa maraming tao.

“I went through a lot—personalan, mud-slinging, may threat pa sa buhay mo—walang ganyan sa showbiz, eh. Sa showbiz, intriga lang pero masaya. Sakyan mo lang. Sa politics, buhay mo ang nakataya talaga.

“Pero hindi ko rin alam ang puwedeng mangyari.

“Isa sa kanila might be interested in politics balang-araw.

“Desisyon na nila iyon in the future,” ngiti pa niya.

Sa pagpasok ni Harvey sa showbiz, sanay na raw ito dahil nakasama ito sa Goin’ Bulilit noong 7-years old pa lang ito.

Isa si Harvey sa mga nag-audition para sa role ng na-possess na bata sa Ilawod.

“Hindi ko po ini-expect na ako ang matatanggap kasi marami po kaming nag-audition.

“I never saw myself acting in a horror film. But my dad, he won his first best actor award in a horror film, Shake, Rattle & Roll: Manananggal. So okey na rin po. Very challenging ang role ko as the possessed son. Ilawod is a water elemental and she is played by Therese Malvar. Siya ‘yung nagko-control ng mind ko. Ako lang ang nakakakita sa kanya,” kuwento pa ni Harvey na gustong mag-take up ng filmmaking kapag nasa college na ito.

DAVID BLAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with