^

Pang Movies

Indie dapat ihiwalay sa mainstream!

THAT DOES IT - Letty Celi - Pang-masa

Oh yes, agree ako kay Sen. Tito Sotto sa idea niya na magkaroon ng sariling film festival ang indie films dahil for me, nanghihinayang kami na hindi panoorin ang mga pelikulang ito na halos puro magaganda, magagaling ang mga artista, scriptwriters, directors at iba pa.

Para rin hindi mahati sa takilya ang kita at ang mga manonood. Sayang ang kasi pinaghirapan at puhunan. ‘Yun lang!

Cable car sa ibabaw ng bundok, hindi itinuloy

Nabasa ng healing priest na si Fr. Joey Faller ng Ang Kamay Ni Hesus Healing Church ang aming column tungkol sa 15th anniversary ng church at sa cable car na two years ago ay pinlano nilang i-put up sa paligid ng bundok para mas mapadali ang pagpunta ng mga bibisita sa nasabing lugar.

Hindi na pala itinuloy ang paglalagay ng cable car sa payo na rin ng mga taong tumutulong sa simbahan at kay Fr. Joey.

Maganda sana ito for tourist attraction pero delikado raw at baka maging mitsa pa ng maraming buhay sapagkat itatayo ito sa ibabaw ng bundok.

Sa madaling salita, waley si cable car. Mayroon man o wala ‘yan, dadayuhin pa rin ng mga tao at mga turista ang Ang Kamay Ni Hesus Healing Church.

Sen. Lito may taniman ng herbal plants

Nagpunta ako with friends sa Porac, Angeles City, Pampanga para bisitahin ang old house ng dati kong alagang aktor na si Senator Lito Lapid. ‘Yun pa rin ang dating property niya na pag-aari na niya at nabili noong siya ay isa pang artista at halos lahat ng action movies ay pinagbidahan niya sa ilalim ng Merick Films na ang producer ay si Jesse G. Chua.

Noon, pag dumarating ang Pista Ng Pelikulang Pilipino na ngayon ay Metro Manila Film Festival na, makikita mo si Lito dahil nakasakay siya sa kabayong puti at ala-cowboy ang style niya sa Parade of Stars.

Naging masinop si Lito at marunong siyang mag-ipon, kalahati sa bayad sa kanya sa pelikula ay ibina-bangko niya, laki kasi sila sa hirap at dahil sa Kuya Rey niya kaya siya kinuha ng Merick Films kung saan ang una niyang pelikula ay ang ang The Jess Lapid Story.

Pumutok ang pelikula at since then lumobo na ang pagsikat ni Lito. Kaya nakaipon ng malaking pera si Lito noon kasi dream niya na magkaroon ng malaking lupain, tatamnan ng mga gulay, bigas, mais, mga prutas, mga punong-kahoy, munting fish pond at higit sa lahat mga herbal plant.

Nakita raw niya ang ilang ektaryang ‘di pa develop na land sa paanan ng bundok sa Porac na malayo sa bahay nila, mura raw, pero ang bibili ang maghahawan ng gubat. After ng Kalibre 45 movie with nasirang FPJ na patok sa lahat ng mga sinehan na pinaglabasan, hayun at nabili ni Lito ang property. Nag-start na siyang magtanim ng mga gusto niya noong nangangarap pa lamang siya. Pagsasaka talaga ang gusto ni Lito sa buhay niya. Lab na lab niya ang mga halaman na itinatanim niya, pero bukod tanging herbal plants dahil marami siyang natulungang may sakit.

Sa totoo lang, kinuha ko sa herbal garden niya ang Serpentina dahil ito ay gamot sa Diabetes, sakit sa tiyan at iba pa. Ang Serpentina ay parang dahon ng sili, mapait ang lasa, seven leaves ang ihuhulog mo sa mug of hot water at ito ang iinumin mo ‘pag mataas ang sugar count mo. Garantisado, bumababa agad ang sugar count ko after ko makainom nito.

Avid reader ng PM at PSN nagtitili

Nakakagulat naman ‘yung na-meet ko sa Generika Golden City. Nakilala niya kami at nagtititili na parang tinutuli.

Buti na lang ay walang sound, e, avid reader pala siya ng PM at Pilipino Star NGAYON. Inisa-isa niya ang mga showbiz columnist pati na ang Philippine Star editor na si Ricky F. Lo.

Ibig sabihin tototo ang sinasabi niya, hindi siya nang-e-etching. At may dala siya ng kopya ng mga binanggit na newspapers.

Agad siyang nagpa-picture, buti nalang naghilamos ako.

Ang pangalan niya ay Vergel, bagong analyst ng Generika Golden City at si Ms. Norvie, ang manager ng said drug store. Oo na, thank you sa pagbabasa! 

 

SEN. TITO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with