^

Pang Movies

Pero ‘di pa raw sila Herbert pumiyok at umaming tini-train si Kris!

ARANGKADA - Vinia Vivar - Pang-masa

Mariing itinanggi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na siya ang nagpadala ng pink balloons kay Kris Aquino kamakailan.

“Hindi ako, nagulat na nga lang ako, tinanong ako kanina tungkol diyan, wala nga akong alam diyan,” sunud-sunod na tanggi ni Mayor Bistek nang makatsikahan namin last Tuesday sa birthday treat niya sa entertainment press na nagdiriwang ng kaarawan ng Jan-March.

Last Sunday kasi ay nag-post si Kris sa IG ng pink balloons at sa caption ay inilagay niya ang pag-uusap nila ng bunsong anak na si Bimby.

Tinanong ni Bimby kung sino ang nagpadala ng balloons at sabi ng bagets, “if he breaks your heart, can I just punch him?”

So, malinaw na guy ang nagpadala ng balloons, either suitor niya or bagong boyfriend.

Ayon Mayor Bistek, if true na may bago nang pag-ibig si Kris, masaya raw siya para sa ex-flame.

“Well, I’ll be happy for her. Ako okay ako do’n. Kasi, du’n din siya kumukuha ng strength, du’n sa partner niya, kung sino ‘yung partner niya, eh. Kasi she has so much inspiration from her children and her family. So, kung meron namang magpapataba at magpapasaya ng puso niya, di okay lang ‘yun. Mas maganda nga ‘yun, eh.

“So that makakuha siya ng. . .she’s trying to recover from after the elections, eh, di ba? Nagkasabay-sabay ‘yan, nawala si Kuya (Noynoy) niya (sa posisyon), nawala ‘yung contract niya (sa ABS-CBN), so, she’s trying to recover from that. And as a friend, you have to be supportive of her,” pahayag ni Mayor B.

Magkaibigan naman daw sila ni Kris at may communication pa rin sila. Kamakailan ay namataan sila sa Chili’s pero paglilinaw ni Mayor, ‘yun ay dahil humingi lang ng tulong sa kanya ang TV host regarding business permit sa bagong kumpanya na itinatag.

Mas okay daw kasi talaga kapag name-maintain ang friendship sa mga exes at ‘yun din daw ang itinuturo niya kay Kris.

“That’s what I think I’m trying to train her. Na be friends with your exes, di ba? Kaya lang sabi niya, ‘there are things that you cannot really bring back. Like nagkademandahan (sina Kris and ex-husband James Yap), di ba? So how can you bring back the friendship.

“But it’s good kasi, I think, nun’g Christmas yata, nagkita-kita sila, I mean it’s good, di ba?”

May chance pa ba for them na ma-rekindle ang love between them?

“Well, nobody knows the future,” sey ni Mayor.

On the lighter side, nami-miss na raw ni Bistek ang showbiz. Pagkatapos daw ng termino niya ay gusto niyang mag-direk ng pelikula.

Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya tatakbo sa higher position kapag natapos ang termino niya bilang QC Mayor?

“Hindi pa natin alam, kasi unang-una, papalitan na ng gobyernong ito ang sistema ng pamahalaan. Maraming nagsasabi, ‘tumakbo kang senador’. Eh you’re talking about senator campaigning for the entire country.

“Eh pero biglang pag nag-Federalism, ang Senate, Metro Manila na lang. O di hindi ka na kailangang umikot pala sa buong Pilipinas.”

Samantala, kasama rin ni Bistek sa event ang anak na si Harvey Bautista na may pelikulang malapit nang ipalabas, ang Ilawod. Nagkaroon ng mini-presscon si Harvey kung saan ay tinanong siya ng mga reporters.

Say ng bagets, “ito po ang first presscon ko,” kaya nagkatawanan.

Anyway, ang Ilawod ang first film ni Harvey. Biro nga niya, hindi niya akalain na horror film ang magiging unang pelikula niya. Pero masayang-masaya ang bagets na sa dami ng nag-audition for the role ay siya ang napili ng producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonzo at ng direktor na si Dan Villegas.

Puring-puri rin ni Direk Dan at ni Atty. Joji si Harvey dahil natural daw umarte.

Ayon sa bagets, ito raw ang advice sa kanya ng ama – ang maging natural sa pag-arte.

Kasama ni Harvey sa Ilawod sina Ian Veneracion, Iza Calzado at Teri Malvar. Showing na ang movie sa Jan. 18.

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with