^

Pang Movies

Die Beautiful no. 1 sa Metro Manila, VKJ pinakamabenta sa probinsya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang Die Beautiful ang no. 1 sa takilya sa Metro Manila among the 8 official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Ito ay base mismo sa ini-release ng MMFF na rankings from Dec. 25 to Jan. 3 na ipinadala sa amin ng festival publicist na si Noel Ferrer.

Habang sa probinsya naman, ang Vince & Kath & James ang nanguna at pangatlo lang ang Die Beautiful.

‘Yun nga lang, hindi na nag-release pa ng figures ang MMFF kung magkano ang kinita mga pelikula or kahit total gross pa.

“Sa actual gross ng festival,” pahayag ni Noel in a press statement, “hindi naman target ng MMFF 2016 na higitan ang kita noong isang taon. Alam naman nating nagkaroon nga ng pagbabago at kasama roon ang demokratisasyon ng kita ng MMFF.

“Ibig sabihin, sa halip na mapunta ang mala­king percentage ng earnings sa iilang malalaking kumpanya lamang, kumikita rin ngayon ang mas nakararaming maliliit na producers-- (dahil ma­liliit lang naman ang budget - kumpara sa dating karamihang produksyon) - sapat para makagawa ulit ng makabuluhang pelikula. Kung di dahil sa filmfest malabong kumita ang mga maliliit na produksyon nang may masayang tubo/ profit pa. --- SIMULA PA LANG ITO.

“There are a lot of lessons to be learned and things to improve. But it’s good that we have put value on quality over commercial viability. It is not anymore indie versus mainstream - because we know that both can come up with quality films.”

Narito ang kumpletong rankings among the 8 official entries from Dec. 25 to Jan. 3:

Metro Manila: 1. Die Beautiful; 2. Seklusyon; 3. Vince & Kath & James; 4. Saving Sally; 5. Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNot Enough; 6. Sunday Beauty Queen;  7. Oro and 8. Kabisera

Provincial: 1. Vince & Kath & James; 2. Seklusyon; 3. Die Beautiful; 4. Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough; 5. Saving Sally; 6. Sunday Beauty Queen; 7. Oro and 8. Kabisera

Ayon pa kay Noel, sa Metro Manila, lahat ng pelikula at naipalabas nang may equal number of theaters through a raffle. Habang sa probinsya naman, nasa discretion ng karamihan ng mga theater owners ang pagpapalabas ng MMFF entries.

Barbie apat na lalaki agad ang aatupagin

Uumpisahan ng GMA-7 ang taon sa pamamagitan ng pagpalabas ng isang light-hearted, romantic drama, ang Meant To Be na pinagbibidahan ng Kapuso young stars na sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto, at Ken Chan.

Gagampanan ni Barbie ang papel na Billie, a typical millennial with issues in life. Si Ivan naman ay si Ethan Spencer-Hughes, ideal-guy-slash-perfect-boyfriend na charming, romantic, and ultimately loyal. Bumalik siya sa Pilipinas hoping to reconnect with his mom after his dad passed away who left him with a huge amount of inheritance.

Si Addy naman ay si Jai Patel. Ang buhay niya ay parang isang Bollywood film. He’s hyper, friendly, and he does not take life seriously, not even with girls.

Si Jak naman ay si Macoy dela Cruz na siyang kaisa-isang Pilipino sa grupo.

And lastly, si Ken ay gumaganap naman bilang si Yuan Lee na isang Filipino-Chinese. Mainitin ang ulo niya with lots of angst and frustrations in life.

Ang apat na lalaking ito ay pawang mai-in love kay Billie at dito iikot ang kuwento ng Meant To Be.

Sino ang pipiliin ni Billie gayung lahat sila ay pawang mga gwapo at may kanya-kanyang katangian?

Magsisimula na ngayong Jan. 9 ang Meant To Be sa primetime slot ng GMA-7. Kasama rin sa serye ang That’s Entertainment triplets na sina Manilyn Reynes, Tina Paner, and Sheryl Cruz, gayundin ang isa pang kasabayan nilang si Keempee de Leon.

Also joining the cast are Sef Cadayaona with the special participation of Ms. Gloria Romero.

DIE BEAUTIFUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with