Pia at Marlon sa buhanginan nag-Bagong Taon
Naging honest si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na naisipan niyang sumali ng beauty pageant dahil hindi na siya nabibigyan masyado ng trabaho sa showbiz.
Gusto raw kasing gawing sexy ang image niya, pero tinanggihan itong gawin ni Pia noon.
“I turned down a few projects from ABS-CBN because I wasn’t ready for daring roles.
“Hindi ko iyon magawa, so naging very limited ‘yung mga trabaho ko.
“So parang walang masyadong nangyayari sa akin, showbiz-wise.
“And then naglalakad ako sa mall kasama ko ‘yung bestfriend ko, ‘tapos nakita ako ni Mama J. (Jonas Gaffud).
“Nakilala ko na siya before that at natanong na niya ako dati kung gusto kong sumali.
“Sabi ko, ‘Oh my gosh, salamat at may gagawin ako sa buhay ko’.” ngiti pa niya.
Hindi nga naging suwerte si Pia sa una at pangalawang beses niyang pagsali sa Bb. Pilipinas. First runner-up siya noong 2013 at nasa Top 15 lang siya noong 2014.
Pinag-isipang mabuti ni Pia ang pagsali niya sa ikatlong beses.
“Plano ko talaga, sige sali ako ulit pero hindi ko ipagsasabi.
“Kasi masyado pang maaga, baka sabihin, gigil na gigil naman ito.
“So naisip ko, at the back of my mind, I’m not gonna sign any contract, any endorsement para makasali ako uli next year.
“But I just gonna get through this whole year of waiting and then join again.”
Sa ikatlong try ay napagwagian ni Pia ang 2015 Bb. Pilipinas-Universe title at nauwi niya sa wakas ang Miss Universe crown sa Las Vegas, Nevada.
“Mas matagal ‘yung journey ko kesa sa pagsali ko sa Miss Universe.
“So ‘yung crown, I’ll never drop that crown.
“I took care of my crown like it was my baby. Very sentimental sa akin ‘yun, because it took long to get it,” ngiti pa niya.
Kung may ibabahagi si Pia sa ibang girls na gustong maging katulad niya, iyon ay ang gawin ang sa tingin nila ang tama.
“When you stop worrying the little things, stop being technical and just perform and go.
“I’ve been training for years, wala ng sense na isipin ko kung gaano ba kataas o kababa yung kamay ko.
“Gawin mo na lang kung ano ‘yung automatic na natutunan mo.
“Just perform, just go!” pagtapos pa ni Pia Alonzo Wurtzbach.
Samantala, kasamang nag-celebrate ni Pia ang kanyang rumored boyfriend niyang si Marlon Stockinger sa isang beach resort sa Waimanalo, Hawaii.
Kahapon ay nag-post si Pia ng picture kunsaan magkayakap sila ng car racer sa buhanginan. Nilagyan niya pa ito ng caption na “My kind of NYE”. And NYE stands for New Years Eve. Comment ng netizens, walang dudang may relasyon na nga ang dalawa.
Joross magiging tatay na ulit
Isang magandang regalo ang natanggap ni Joross Gamboa bago matapos ang taong 2016. Ito ay ang magkaroon ulit sila ng panibagong baby ng kanyang misis na si Katz Gamboa.
Nai-share ni Joross ang kanyang happiness via Instagram noong nakaraang December 25:
“Best Christmas Gift! He will love you, bless you, and multiply you. He will also bless the fruit of your womb and the fruit of your ground, your grain and your wine and your oil, the increase of your herds and the young of your flock, in the land that he swore to your fathers to give you. -Deuteronomy 7:13 ESV#thankyoulord#blessed#secondbaby#christmasgift?#GodisGoodAlltheTime”
Wala pang ibang detalyeng ibinigay ang dalawa tungkol sa baby.
Thankful din si Joross sa nagdaang taon dahil naging busy siya sa paglabas sa teleserye na Juan Happy Love Story at nakipag-compete pa siya sa Superstar Duets.
Isa rin sa naging kontrobersyal na celebrities si Joross noong 2016 dahil sa pagkalat ng isang video scandal niya.
Pero nag-move on na si Joross mula sa iskandalong iyon dahil hindi naman niya itinanggi na siya ang nasa video na iyon.
Ruru busy sa paghuhubad noong bakasyon
Bago matapos ang 2016 ay pinaglaway ni Ruru Madrid ang mga beki dahil sa pag-post nito ng kanyang topless photo sa Instagram noong nakaraang December 25.
Sa isang hotel nag-Pasko ang pamilya ni Ruru at naisipan nitong magpakuha sa may pool area na naka-beach shorts lang pero tinakpan niya ang mukha niya.
Kitang-kita ang magandang katawan ni Ruru pati na ang tattoo na pinakalagay niya.
Nakatanggap ng 16,000 likes at 131 comments as of this writing ang nag-viral na topless photo ni Ruru.
Hindi nga raw ginagawa ito ni Ruru, pero dahil sa maraming sumusuporta sa kanya, ito na raw ang pinakaregalo niya sa kanyang fans, lalo na ang mga beki na gustong masilayan ang kanyang pinaghirapan na katawan para sa pagganap niya bilang si Ybarro sa top-rating GMA telefantasya na Encantadia.
- Latest