^

Pang Movies

Maraming taga-showbiz ‘nagbabu’ last year!

THAT DOES IT - Ed de Leon - Pang-masa

Sabi nila, naging isang “dark year” ang 2016 sa showbiz dahil sa taong ito ay namatay ang ilang mga taong kinikilalang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Kasisimula pa lamang ng taon nang pumanaw si German Moreno. Si Kuya Germs na kinikilalang “master showman” ay naka-discover at nagpasikat ng karamihan sa ating mga artista hanggang sa kasalukuyan.

Taong 2016 din yumao ang sinasabing “Best Actress of all time” na si Lolita Rodriguez. Si Lolita Rodriguez ay isang artistang sinasabing hindi bumaba ang popularidad bilang isang aktres, siya ay nagretiro at yumaong isang acting legend.

Last year din namaalam ang character actor na si Dick Israel, at ganoon din naman ang komedyanteng si Joy Viado. Nawala rin ang kinikilalang horror character na si Lilia Cuntapay. Ang isa pang character actor na nawala rin ay si Max Laurel, na nakilala bilang si Zuma.

Bukod sa mga artista, marami ring mga director na nawala. Isa na riyan si Wenn Deramas, na kinikilalang isang box office director. Yumao rin si Uro dela Cruz na nagpasikat sa show na Bubble Gang sa telebisyon. Matatapos na ang taon nang mawala naman si Bebong Osorio.

Ang industriya ng musika ay nawalan din ng mga kinikilalang personalidad. Una na nga riyan ang composer na si Snaffu Rigor, na nagpasikat ng maraming mga kanta na kabilang noon sa tinatawag na Manila Sound.

Inatake sa puso at naging biglaan din ang pagyao ng singer-rapper na si Blakdyak.

Kung iisipin mo, masasabi ngang dark year ang nakalipas na taon. Sana mas maging maaliwalas para sa show business ang 2017.

Tropeo sa MMFF ayaw tantanan

Hindi pa natatapos ang controversy tungkol sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Isa sa pinagtatawanan nila ay ang hitsura ng mga ibinigay na tropeo sa mga nanalo. May nagsasabing mukha raw iyong eroplanong papel. May nagsasabing mukha raw iyong “yema”. May nagsasabi namang mukhang nai-pattern ang hitsura noon sa isang tsokolate. May isang director na nagsabi pang kung sino raw ang nakaisip noon ay kailangang hambalusin. Pero ang nagpatawa nang malakas sa amin ay ang nai-post ng director na si Louie Ignacio sa kanyang social media account na naghahambing doon sa payong.

MMFF official naghugas kamay sa movie ni Nora?!

Dalawang pelikula ang masasabing talagang bokya sa festival, iyon ay ang pelikula nina Nora Aunor at Eugene Domingo. Hindi iyon nabigyan kahit na ng “pampalubag loob” award.

Ang masakit pa sa pelikula ni Nora, bukod tanging iyon ang walang ratings ng Cinema Evaluations Board. Talo pa iyon ng mga pelikulang hindi nakasali na nakakuha ng B ratings. At ang mas masakit pa, isang opisyal ng MMFF na nagpa-interview pa sa radio pagkatapos ng awards at nilait-lait ang pelikula ni Nora. Hindi ba dapat naman may ethics? Hindi ba dapat ang mga opisyal ay hindi nagsasalita ng anumang laban sa alin mang film entries.

In a way tama ang sinasabi ni Nora na “kung ang tingin nila sa pelikula ko ay basura, bakit nila isinali pa sa MMFF”?

Maraming palpak ang MMFF, huwag na nilang itago iyan. Ang pinakamalaking suntok nilang tina?gap ay ang katotohanang flop sila kahit na nag-bargain pa sila ng admission prices ng mga sinehan.

 

KUYA GERMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with