^

Pang Movies

Goma never nadungisan ang pangalan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sorry to say this pero wala pong gustong maniwala na sangkot ang pangalan ni Ormoc Mayor Richard Gomez sa isyu ng droga. Mula noong magsimula si Richard sa larangan ng showbiz kunsaan teenager pa lang siya at ang humubog sa kanya ay ang yumaong manunulat-showbiz writer at well-respected na si Douglas Quijano, ni katiting na bad news noon ay walang kinasangkutan si Richard at kung mayroon man ay hindi ito grabe or makakasira ng kanyang pangalan.  

Noong araw, kapag may bad comment ang isang movie writer sa mga artista, madalas silang mag-react at mapikon. Pero wala lang, kusang nabubura ang kung anumang walang saysay na balita kay Richard noon dahil hindi niya ito pinapatulan.  

Anyway, nalampasan na ni Richard ang maraming unos sa buhay hanggang sa naging fully matured na siya at makabuo sila ng pamilya ni Rep. Lucy Torrez-Gomez.  

Malaki na rin ang nag-iisang anak nila na si Juliana pero mula noon at ngayon, heto pa rin sila, tahimik at pareho pa silang may katungkulan at responsable sa mamamayan ng Ormoc City kunsaan mahal na mahal sila ng kanilang constituents.

Pangarap ni Richard bilang Mayor ng Ormoc na gawing isang magandang huwaran ang nasabing bayan. Nais niyang walang magugutom, walang hindi mag-aaral na mga kabataan, walang nakatapak sa lupa ng walang sapin sa paa, at magkakaroon ng hanapbuhay ang sinumang ama ng tahanan na may kakayahan pang magtrabaho. Isa sa pinaka-priority niya ay ang edukasyon ng mga kabataan.  

Ang mga ito ay nakalatag na sa harapan ni Mayor Richard, lahat ng magagawa niya ay gagawin niya. Kung kaya naman, ipagpapatuloy pa rin niya ang pag-aartista dahil ang kikitain niya sa showbiz ay magagamit niya sa mga proyektong pangtulong sa mga kabataan sa Ormoc City. Marami ang naniniwala sa actor-politician na magkakaroon ng katuparan ang kanyang pangarap sa Ormoc City with the help and guidance of our Lord Jesus Christ.  

Sa Diyos siya kumukuha ng lakas at sa pamilya niya pati na rin sa kanyang mga kababayan. Lalo na sa mga sandaling ito, may unos na nakabato sa kanya sa pagkakapatay sa nakakulong na si Mayor Espinosa. Sangkot at nasa listahan ng payola umano ang pa­ngalan ni Mayor Gomez na may kinalaman sa droga.  

Baka raw ang buong mamamayan ng Ormoc City, mga constituents nila ni Rep. Lucy Torres, lalo na ang mga ka-friendship sa showbiz ay magsanib-pwersa dahil hindi sila naniniwala sa mala-bangungot na paninira sa kanilang Mayor.  

Idol, malay ninyo, baka makita ninyo si St. Michael the Archangel na hawak ang kanyang miraculous and shining sword at paghahambalusin ng espada niya ang mga may pakana at may galit kay Mayor Richard Gomez.

Happy Birthday…

Hello sa birthday boy na si Michael Pangilinan na magbi-birthday sa November 26.

Twenty one na pala siya. Kaya naman pala tumaas siya at lalong kumisig, kung baga nalampasan na niya ang pagiging binatilyo kaya nagbago na ang aura niya.  

Aba, take note, dati ay sinusundan lang niya ng tingin ang mga babae, pero ngayon, siya na ang tiniti­lian at gustong lundagin.  Talagang tamang bansagang Kilabot Ng Mga Kolehiyala si Michael. Ang isa pang ikakahanga mo kay Michael ay ‘yung mga hagod ng kanyang pagkanta na parang malulunod ka.  

Gentleman din siya kumilos, okey kasi ang kanyang discoverer manager na si Jobert Sucaldito, gusto nito na purihin in a nice way ang sino man sa mga talent niya at isa na si Michael sa mga ito na bagets pa nang alagaan niya at parang galing sa ‘matres’ niya.  

Happy Birthday Boy!

ORMOC MAYOR RICHARD GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with