^

Pang Movies

Jona kinontrata na ng Star Music!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jona kinontrata na ng Star Music!
Jona

Speaking of lucky people ngayong taon, walang duda na isa ang singer na si Jona sa mga ito.

Simula nang lumipat siya sa Kapamilya network mid this year, non-stop ang kanyang pagtatrabaho. Na-assign siyang umawit ng theme song ng series nina Pokwang at Melai Cantiveros na We Will Survive. Nabigyan din siya ng pagkakataong ma-interpret ang isa sa mga entry sa P-Pop Love Songs 2016.

Kasalukuyan siyang parte ng Birit Queens ng ASAP, ang Sunday noontime show ng ABS-CBN.

At ang pinakamagandang maituturing niyang nangyari ngayon taon: contract talent na siya ng Star Music, ang music arm ng ABS-CBN.

Bukod sa album na kinukumpleto na ang ilang mga kanta na siya mismo ang pumili, may concert pa siyang tatampukan sa November 25 sa KIA Theater, title Queen of the Night: Jona.

Special guest niya rito sina Jed Madela, Daryl Ong, at Regine Velasquez-Alcasid.

“Magkakaroon din ako ng dance numbers dito.  Ang magiging choreographer ko ay si Joe Abuda,” nakangiting kwento ni Jona.

Sa naturang concert ay featured din ang dance crew na The Addib.

Rico J minahal lahat ng mga naanakan

Isa pang musical show na dapat abangan ay ang The Best of the OPM Hitmakers na nakatakdang maganap naman sa December 9 sa Resorts World Manila’s Newport Performing Arts Theater.

Featured dito ang mga beteranong mang-aawit na sina Rey Valera, Rico J. Puno, Hajji Alejandro at Marco Sison. Very special guest naman si Jessa Zagaroza.

The concert is produced by Resorts World Manila and Studio 69, in cooperation with Starmedia Entertainment, headed by Ana Puno.

Sa presscon ng nasabing event, natanong ang apat na macho performers kung kinunsi­dera ba nila ang mga sarili bilang ideal husband.

Sumagot agad si Rey na hindi raw.

Sa interview naman kay Rico J., ni-reveal niya na pito na ang lahat ng kanyang mga anak. Apat sa mga ito ay anak niya sa kanyang legal wife na si Doris at ang tatlo naman ay sa tatlong babaeng kanyang minahal at minamahal pa rin.

Dalawa sa kanyang mga anak ay mahilig din sa musika.

Maria Isabel hindi nabakante

Natuwa si Maria Isabel Lopez nang magkaroon kami ng pagkakataon na kausapin siya sa ongoing na Cinema One Originals Filmfest. Binanggit kasi namin sa kanya na nakausap namin si Direk Manny Palo, director ng long-time running series na Doble Kara na sinabing hanggang next year pa ng January ito ieere.

Nasa cast kasi ng Doble Kara si Maribel at gumaganap siyang kapwa preso ni Sara (Julia Montes).

Naging mabait daw sa kanya ang taong 2016. Hindi raw kasi siya nabakante kung proyekto sa TV o pelikula ang pag-uusapan.

Kasama rin siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa blockbuster Star Cinema movie na Barcelona, A Love Untold na kinunan pa sa Barcelona, Spain at directed by Olive Lamasan.

Maganda rin ang kanyang naging role sa You’re My Home kung saan nakasama niya si Richard Gomez at Dawn Zulueta.

At alam n’yo rin ba na sa kanya ipinagkatiwala ni Liz Alindogan ang pag-line produce ng obrang naiwan ng tinaguriang Philippine Cinema’s Messiah, ang nasirang si Direk Cesar Ad Castillo, ang People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose.

Ang batang director na si Jun Torres ang nagtapos ng pelikula.

vuukle comment

JONALYN VIRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with