^

Pang Movies

Kaya tantanan na Goma marami pang plano sa Ormoc

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ano? Si Richard Gomez ay sangkot daw sa droga? Sinasabi ngang protector siya ng droga at nasa listahan ng mga umano’y politician, pulis, militar, at iba pa na ikinanta ng pinatay na si Mayor Espinosa.

Oh no, halatang-halatang idinadamay lang ang aktor na bagong halal na Mayor ng Ormoc City. Sino naman ang grabeng inggit at may malaking galit kay Goma? Kung sabagay, artista siya, guwapo, edukado, sikat, mabait, relihiyoso, maawain, hindi madamot, matulungin sa mahihirap, very loving husband and father, at marami pang iba na magagandang katangiang nasa aktor-pulitiko.

May magandang plano ang bagong Mayor ng Ormoc. Dream ni Richard na mas maraming makapag-aral, maging degree holder at professional.

Kaya tantanan na ang pagsasangkot sa pangalan ni Goma sa pagpatay kay Mayor Espinosa. Madyahe naman kayo, baka bumangon si Douglas Quijano sa kanyang kinalalagyan at multuhin kayo! Hmmmp!

Cesar nag-aalala sa bagong lalaki ni Sunshine?

Sabi, hindi raw apektado si Cesar Montano sa balitang isang handsome guy ang syota ngayon ng ex-wife niyang si Sunshine Cruz. Okay lang daw ‘yun kay Cesar, pero bakit panay ang tanong niya sa ilang ka-friendship na itsinitsika sa amin at tipong worried si Cesar?

Natural lang ‘yun na aware si Cesar, ego ng lalaki ‘yan eh. Gusto lang siguro ni Cesar na makasiguro na ang lalaking type ni Sunshine ay kaya siyang pakainin at mahalin ang mga anak nila.

Derrick forte ang Broadway songs

Ang saya-saya ni Tina Monasterio dahil ang anak niyang si Derrick Monasterio ay papasikat nang TV actor ng GMA. Medyo matagal na rin si Derrick sa network at marami na itong nalabasang show. Buti na lang at hindi sila nainip dahil sa malaking sorpresa ng GMA na maging bida ito sa series na Tsuperhero kasama si Bea Binene.  Halos mapaluha si Derrick sa tuwa maging si Tina dahil sa nasabing show.

Isa pa sa mga asset ni Derrick bukod sa pag-arte ay ang maganda niyang boses. Magaling kasi talagang kumanta ang binata at forte niya ang mga Broadway songs.

Sinu-sino na kaya ang nadala? Derek paraiso ang resort sa Palawan na 300 hectares!

Wow na wow! Ang ganda ng resort ni Derek Ramsay na almost 300 hectares ang lawak sa San Vicente Palawan. E, kasi ‘yung nephew kong si Joey, ipinakita sa akin ang photo ng karatig na resort. Ang ganda ng tubig na kulay asul at namumutiktik pa sa coconut trees. Naku po, maka tulo-laway ang lugar sa sobrang ganda nito. Si Joey ang ahente ng resort na katabi ng resort ni Derek. Sa bigat ng schedule ng hunk actor, nakakapunta pa kaya siya dun? Ilan na kayang girls ang nadala niya doon? Siyempre, pupunta ka ba sa isang napakagandang lugar para magdasal lang!

vuukle comment

MAYOR ESPINOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with