^

Pang Movies

Birthday wish ng 97 years old na lolo tampok sa KMJS

Pang-masa

MANILA, Philippines – Trio milyonaryo, mga libro tungkol sa social media posts, at mga asong sabay-sabay na pinapasyal, ilan lamang ang mga ito sa mga kuwentong tampok ngayong Linggo (November 6) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Magkakalaban sila sa game show na Wo­wowin subalit para mapanalunan ang mega jackpot na brand new car, isang milyong piso at house and lot, kinailangan nilang magsanib-pwersa. At sinu­werteng tinamaan nila ang jackpot. Paano nga ba nila paghahati-hatian ang mga premyo?

Samantala, tila nauuso ngayon ang pagsasalin sa libro ng social media posts o tweets na ang may akda ay mga komedyante, celebrities, at iba pang social media influencers. Sisilipin ng KMJS ang ilan sa mga ito kasama na ang librong #Basa ni Brod Pete, ang Charotism ni Ethel Booba, at Lakompake ni Señora Santibañez.

Sa Cebu naman, isang grupo ng mga estudyante ang sinorpresa ang isang lolo sa bangketa sa ika-97 kaarawan nito, kahit na hindi naman nila ito kadugo. Bagamat tuwang-tuwa si Lolo Alfredo sa pagmamahal na pinapakita sa kanya ng mga ito, ang kahilingan niya raw sa kanyang kaarawan ay makita ang kanyang dalawang anak na mahigit tatlong dekada na siyang walang balita.

Samantala, marami ang humanga sa video ni Jerry kung saan pinapasyal niya ang 13 niyang mga aso. At kahit mahigit isang dosena ang kanyang mga alaga, kahanga-hangang disiplinadung-disiplinado ang mga ito. Aalamin din ng KMJS kung paanong nakatulong ang kanyang mga alaga para uminam ang kanyang katawan na pinahihirapan ng Parkinson’s disease.

Ilan lang ito sa mga kuwentong patok ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA-7.

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with