^

Pang Movies

Miss Ecuador wagi, KC umurong ang dila nang matalo ang kapatid!

POINT GUARD - Jun Nardo - Pang-masa

Rah-rah girl ang drama ni KC Concepcion sa half-sister na si Cloie Syquia nu’ng grand coronation ng Miss Earth 2016 na sa bansa ginawa at kalahok kasi si Cloie sa pageant.

Blow by blow ang tweet ni KC sa Twitter account niya. Sampol ng tweets niya ay, “Killed it swimsuit, and ravi­shing in her evening gown.”

Kinabahan siya pagdating sa question and answer portion. Nang masagot ng half-sister ang tanong, “Though I was going to faint!!! She answered so well!!! Kept her composure even if I could feel her nervessssss!”

Ang ending, lost si Cloie at si Miss Ecuador ang itinanghal na Miss Earth 2016.

  “We feel so proud of #CloieSyquia she made it so far and looked absolutely STUNNING! She’s worked so hard and come so far!” huling tweet ni KC sa kapalaran ng kapatid sa ama.

Lani pinagkalooban ng SGLG dahil sa magandang pamumuno sa Bacoor

Proud husband si Senator Bong Revilla, Jr. sa latest achievement ng asawang si Lani Mercado Revilla bilang Mayor ng Bacoor City. Imagine, sa unang taon ni Mayor Lani, agad binigyan ng 2016 Seal of Good Local Governance (SGLG) ang pinamumunuang siyudad, huh!

Ipinagkalaoob ng Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueno ang parangal kay Mayor Lani sa katatapos na SGLG National Conferment Ceremony sa Sofitel Philippine Plaza last October 27.

Binigyang-papuri ni Sec. Sueno ang Bacoor City officials ang katangi-tanging trabaho at commitment ng local government unit upang maisakatuparan ang tapat at mahusay na pamahalaang local. Nagpasalamat naman ang masipag na asawa ni Sen. Revilla sa lahat ng nagtatrabaho sa Bacoor City dahil sa patuloy na pagbabago ng siyudad.

Nakatanggap ang Bacoor City ng unang SGLG noong 2015 sa huling termino bilang Mayor ni Strike Revilla na kongresista na ang siyudad.

Mga batang nagti-trick or treat dito sa ‘Pinas mas gusto ng datung kesa sa kendi!

Sementeryo ang sentro ng traffic ngayon, Oktubre 31 hanggang bukas, Nobyembre 1, All Saint’s Day.

‘Yung ibang ayaw ma-stress sa traffic ay sa bahay nagdarasal para sa kanilang yumao sa buhay. Pero ‘yung pumupunta sa sementryo, lalo na kung saan nakalibing ang kilalang personalidad, nakikiusyoso rin sila sa nitso nila.

Pero kung hindi pa rin nawawala ang tradisyon ng Pinoy sa pagbisita sa sementeryo, nahawa na tayo sa uso na ngayong Halloween party at Trick or Treat para sa mga bata. ‘Yun nga lang, iilang bata lang ang creative sa pagsusuot ng costumes. ‘Yung iba, lalagyan lang ng puting pulbo ang mukha, magtatalukbong ng itim na tela at rarampa na sa kalye, huh!

Eh kung candies ang ipinamimigay sa mga bata tuwing Trick or Treat sa ibang bansa, dito sa atin, datung ang nais ng mga bata na ibigay sa kanila at hindi kendi, huh!

Anyway, naimpluwensiyahan man na tayo ng ibang kultura, atin pa ring alalahanin ang yumao nating mahal sa buhay dahil minsan lang naman ito sa isang taon, huh!

MISS ECUADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with