Derrick ipinagyabang na walang padding ang bukol!
‘Kaaliw ang sagot ni Derrick Monasterio nang tanungin siya sa presscon ng Tsuperhero kung ano ang naramdaman niya nang una niyang isuot ang kanyang costume.
“Bumabakat po,” sagot niya na ikinatawa ng lahat.
Alin ang bumabakat?
“’Yung muscle po,” natatawa na naman niyang sagot.
“Hindi, kasi po, nung una, hindi pa ganu’n ka-ok ang fit, ang pangit po ng pagkaka-fit sa akin, pero habang tumatagal, habang nire-revise, mas humuhubog na po sa katawan ko, mas kumakapit na po and mas napi-feel ko na hero ako,” say pa ng Kapuso young actor.
May pagka-pilyong follow-up question kay Derrick, ano raw ba ‘yung muscle na lumalabas sa kanya at sagot naman ng young actor, “du’n po sa binti”.
Ano naman sa tingin niya ang edge niya sa mga ibang aktor na gumanap nang superhero?
“Mas bata po siguro, mas fresh.”
Mas sexy rin ba?
“Ay opo,” mabilis niyang sagot. “Kasi ‘yung iba pong superhero dati, if I’m not mistaken, may nilalagay pang parang padding sa kung saan-saan, eh. Ako po, wala,” he added kaya napa-wow ang mga reporter.
Natatawang paliwanag ni Derrick, in character daw siya kaya pagpasensiyahan na kung medyo may yabang siyang magsalita.
Pero siniguro niyang ulit, “wala po ‘yung padding.”
Samantala, masayang-masaya ang young actor na nabigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7 na gumanap na superhero dahil ito naman daw talaga ang dream na gampanan ng kahit na sinong artista.
“It is my first time to portray a role like this na isang superhero. Nakakakaba talaga siya pero at the same time nakaka-challenge rin kaya mas pagbubutihan ko po talaga yung trabaho ko. Nakaka-flatter din po kasi dahil ako yung napili ng GMA to portray this role. So I have to work hard for this project,” pahayag pa ni Derrick.
Ipalalabas na ngayong Nobyembre ang Tsuperhero sa Sunday Grande ng GMA-7. Kasama rin dito si Bea Binene bilang kapareha ni Derrick, Alma Moreno, Gabby Concepcion, Miggs Cuaderno at marami pang iba.
Shaina napagkamalang halimaw
Aminado si Shaina Magdayao na nang unang i-offer sa kanya ang Lily na isa sa entries sa Cinema One Originals Film Festival ay natakot siya.
“Sabi ko, parang natatatakot ako kasi first time kong gumawa ng isang hard-core independent film na parang siyempre, ang kinalakihan ko is mainstream and at that time, I was doing Single Single (her mini-series in Cinema One) also or Story of Us na mainstream talaga na lagi nating napapanod sa telebisyon.
“So, sabi ko, if gagawin ko ‘to, it’s going to be a risk, kasi unang-una, parang huhubaran ka, it’s going to be out of your comfort zone, tapos the whole film is in Bisaya,” pahayag ni Shaina sa presscon ng C1 Originals na ginanap last Wednesday.
At mukhang na-proud naman talaga ang daddy niya dahil dumalaw pa raw ito sa shooting ng movie na first time nitong ginawa sa kanya.
“Pagod na kasi siyang dumalaw-dalaw kay Ate Vina (Morales, her eldest sister). But this time, we shot the whole movie in Cebu also, so three weeks kaming nandoon.”
Tuwang-tuwa rin daw ang daddy niya na puro Cebuano ang kasama niya sa pelikula.
“At narinig niya akong mag-Bisaya,” natatawa pang sabi ng aktres.
“Ayun, basta masaya ako na nagawa ko itong film na ito, nakatulong ako sa Cebuano industry na nagulat ako na napakalaki na pala ng film industry in Cebu. They actually hold Binasaya Film Festival there and people all over the world, they go there to watch the films,” tila proud na kwento pa ni Shaina.
Ang direktor nga raw niya sa Lily na si Keith Deligero ang isa rin sa founders ng Binasaya Film Festival.
Ginagampanan ni Shaina sa Lily ang role na babaeng pinaghihinalaang kalahating halimaw na urban legend sa Cebu.
Ang Cinema One Originals ay mapapanood mula November 14 hanggang 22, 2016. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.
- Latest