^

Pang Movies

Rosanna kakasuhan ng human trafficking ng mga kongresista?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

True ba na pinag-iisipan na ng mga kongresista na ipatawag si Rosanna Roces sa hearing para sa possible investigation ng human trafficking? Yup, human trafficking. Ito ay matapos umamin ang dating bold star na nagdadala siya ng mga babae sa kulangan at sinisingil niya ng P25-K ang mga high profile inmates.

Base ito sa kanyang Facebook account na hindi droga ang ‘negosyo’ niya sa Bilibid contrary sa sinabi ng tumestigong si Nonilo Arile.

“Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng. Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko. Kung naging mistress ako ‘di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey....taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. yung sinasabi nilang si Vicente Sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay. Kilala ko din sina Noel Martinez dating mayor ng g.i ..dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina Aprilboy at Selina Sevilla. Dun ko na meet si Jaybee Sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv. Other than that wala na akong na­ging dahilan para bumalik. Lalona nung ang huling nadala ko palang babae ay maysakit” depensa ni Rosanna.

Mas mabigat daw na kaso ang human trafficking.

Andi nang-imbyerna ng pakialamera

Pinatulan ni Andi Eigenmann ang isang nag-a-advice sa kanya sa social media na sana naman ay ‘wag niyang balewalain ang mga taong nadamay sa gulo tungkol sa naunang claim niya na si Albie Casiño ang ama ng kanyang anak pero nadiskubre nila sa pamamagitan ng DNA test na si Jake Ejercito pala. May mga nasira raw siyang tao at sana naman daw ay mag-apologize at ‘wag magpanggap na walang nangyari. ‘Di siya pinalampas ni Andi.

“The point is that as much as I am a public figure, I’ m still human just like you are, and there is a whole side of me that has always stayed outside of the spotlight, which if anything, deserves to stay there, specially because there are other people involved.

“The point is that none of you are in any position to judge or advice me to do something when you actually only know what is fed to you by the media, or what the turn of events have made everything out to be.

“So thank you for your advice, but I’d rather take it after you have actually been around both our lives to know the real story.”

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with