^

Pang Movies

Kabit, gustong maging kaibigan ang misis ng actor!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kabit, gustong maging kaibigan ang misis ng actor!
Sa ulat ni P/Senior Supt. Gil Flores, hepe ng Calatrava PNP na isinumite sa Camp Crame, hindi na natukoy ang kasarian ng sanggol dahil kinain na ng asong gala ang ibabang bahagi ng katawan ng sanggol.
File photo

Hindi pa raw makapuntos ang isang kabit ng isang kilalang aktor sa tunay na asawa ng huli. Kahit na nga raw nakadalawa na siya ng anak sa aktor, gusto pa rin niyang makaharap kahit sulyap lang ang misis ng aktor. Baka nga naman mabawasan ang dinadala sa kunsiyensiya niya!

Feeling siguro ng kabit, kapag nagtama ang tingin nila ni misis eh, absuwelto na siya. Baka nga naman maging close pa sila, huh!

Pero mailap daw si misis at mati­nik dala ng tinatawag na woman’s intuition, huh! Minsan daw kasi, nang bumiyahe ang pamilya ng aktor kasama ang misis, sumunod ang syobit. Eh kaso, tagung-tago raw ang lokasyon ng pamilya kaya ngangang umuwi ang kabit nang hindi natutupad ang misyon!

Sa ngayon, nananahimik na ang kabit ng aktor. Todo naman kasi ang suportang nakukuha niya sa aktor. ‘Yun nga lang, kung natanggap ng misis ang anak sa ibang babae ng aktor, tanging sa huling kabit lang ang hindi masikmura ng tunay na misis, huh!

Pero magaling pa ring sumalisi si kabit lalo ngayong hindi na aktibo sa career niya ang aktor, huh!

Jackie Ejercito nawawala ang problema sa lovelife ‘pag may medical mission

Kinakabahan subalit determinado si Jackie Ejercito na ipagpatuloy ang sinimulan ng ina na si Dr. Loi Ejercito bilang pinuno ng MARE Foundation, Inc. Sa September 7, 2016, manunumpa na si Jackie bilang Chairman ng foundation bilang kahalili ng ina.

Pero sa pagtaguyod ng adbokasiya ng MARE, makakatuwang niya ang sister-in-law na si Precy Ejercito, asawa ni Sen. Jinggoy Estrada, na tatayo namang Vice Chairman. Gagawin ang oath-taking sa San Andres Sports Complex sa umaga at nataon pa ito sa 50th birthday ng panganay nina Manila Mayor Joseph Estrada at Dr. Ejercito-Estrada. “It’s scary! Ha! Ha! Ha! Sana naging doctor na lang ako! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Jackie over lunch sa Gloria Maris sa Greenhills kahapon kasama ang ilang opisyales ng MARE Foundation.

Sa totoo lang, 1996 pa itinatag ang foundation ni President Joseph Estrada at ngayong siya ang Manila Mayor, siya ang biggest sponsor ng foundation. Maituturing na landmark achievement ang kooperasyon ng MARE at siyudad sa ope­rasyon ng Manila Dialysis Center, ang pinakamalaking dialysis center sa bansa kung saan ang mga nangangaila­ngan ng treatment ay binibig­yan ng referral. “Right now, medical mission ang sentro ng MARE. Pero naglunsad na rin kami ng feeding program, free consultation, medicines, proper hygiene campaign, nutrition, livelihood at urban gardening para sa mahihirap sa barangay,” pahayag ni Jackie.

Ang dagdag na serbisyo pa nila ay scholarships, artesian well distribution at tulong sa nasalanta ng kalamidad, spiritual seminars at marami pa silang plano.

Sa magaganap na oath-taking, mamimigay ng wheel chairs, sewing machines at magpapakain ang MARE turn-over. Makakasama niya ang iba pang opisyales at Board of Trustees na manunumpa. Kinabibilangan ito nina Corina Ponce Enrile Yenko, Treasurer; Maria Cristina Tantoco Morada, Corporate Secretary; Edward M. Lavin, Ma. Rowena O. Ejercito, Gabriel Ma. J. Lopez, Precy V. Mathay, Willin C. Chan, Evelyn R. Carballo at Benita Tanyag, Board of Trustees.

Ano naman ang fulfillment ni Jackie sa kanyang personal life sa pagtulong na ginagawa nila para sa kapus-palad? “Ahhh…Naiiyak tuloy ako. it’s a different kind of fulfillment. Like ‘pag nakakakita ng bata na ngumingiti, as in, parang iba.

“Parang ang saya-saya nila. That’s something na for me. Pati sa elderly. Kasi mas ano rin ako sa matatanda. Parang ‘yung loneliness nila of being old. Parang when they smile, parang mukha silang masaya, it’s something na for me.

“Kasi parang…Parang naisip ko kelan sila mawawala rito, ‘di ba? Parang kumpara sa problema ko, meron palang mas malaki ang problema. Kaya laging nawawala ang lovelife problem ko kapag may medical mission! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Jackie na may kasamang biro ‘pag lovelife ang nababanggit.

Sa totoo lang, one stop shop ang ginagawa ng MARE kapag may medical mission dahil kumpleto na ang lahat.

Mabuhay ang bagong pamunuan ang MARE!

CALATRAVA

NEGROS OCCIDENTAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with