^

Pang Movies

Daniel inangkin na si Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Daniel inangkin na si Kathryn!
Rosanna Roces

Kailangan pa ba namang umamin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na mag-syota sila? All throughout sa presscon ng pelikula nilang Barcelona, napansin namin ang kamay ni Daniel na nakapatong sa hita ni Kathryn.

Walang babaeng basta papayag na hawakan siya sa hita, lalo na in public, kahit na sabihin mong anong pogi mo pa, maliban na lang kung sanay na siya nang ganoon. Papaano naman hindi masasanay iyon kung syota mo na nga.

Pero maliwanag naman ang sinabi ni Daniel. Ayaw niyang sabihing syota na niya si Kathryn, pero sinasabi nila na “exclusive kami sa isa’t isa. Kaming dalawa lang. Wala nang puwedeng sumingit na isa pa.”  

Sa pananalita ni Daniel, mukhang seloso siya. Kasi talagang idiniin niya, “Wala nang makakasi­ngit na isa pa”, as if naman may makakasingit pang iba kung ang syota ay isang Daniel Padilla.

Iyon ang isa pang factor. Halimbawa isang babae, kahit na hindi si Kathryn Bernardo, na may syotang kagaya ni Daniel Padilla, maiisipan mo pa ba namang maghanap ng ibang manliligaw? Aba dapat magpakatino ka na dahil baka mawala pa iyan.

Extra driver ni Annabelle na nagsumbong kay Tulfo, nasopla sa ere!

Nakasakay kami sa taxi isang hapon, iyong driver nakikinig sa radio prog­ram ni Raffy Tulfo. Nagulat kami, bigla niyang kausap sa telepono si Annabelle Rama. Mayroon ka­sing isang driver daw dati ni Annabelle na nagreklamong isang buwan at kalahati daw siyang hindi sinuwelduhan.

Makakalusot ba naman ang ganyan kay Annabelle? Ay talagang natarayan siya. Iyon pala extra driver lang, kaya ang suweldo sa kanya per day. Kung kailan lang siya mag-drive, natural doon lang din siya babayaran. Nakapag-advance pa nga raw ng suweldo ang driver dahil sinasa­bing may sakit ang anak niya. Tapos nakapirma pala siya sa isang log book kung saan pinapipirma ni Annabelle ang lahat ng mga katulong, dri­ver at iba pang kasambahay na binabayaran niya.

“Ano akala niya sa akin, ulyanin na hindi na alam ang ginagawa ko. Binayaran ko na iyan Dong,” sabi pa ni Annabelle kay Raffy.

Tapos ang kuwento.

Luis at Patrick kapani-paniwala ang resulta ng drug test

Dalawa ang masasabi naming credible na drug tests. Iyong ginawa ni Luis Manzano sa PNP crime lab sa Kampo Crame, at iyong ginawa ni Patrick Garcia sa NBI. Iyong mga drug tests, lalo na doon sa mga self test lang, naku duda kami.

Ang pinaniniwalaan lang talaga iyong ginagawa ng NBI at PDEA, at saka siyempre ‘yung mga medico legal.

ROSANA ROCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with