^

Pang Movies

Roi paninindigan na ang kabaklaan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ng veteran action star na si Roi Vinzon na na-e-enjoy na niya ang pagganap niya bilang ang closet gay na si Primo sa sexy comedy ng GMA 7 na A1 Ko Sa ‘Yo.

Tuwing umeere raw ang kanilang mga episode ay nakakatanggap siya ng nakakatuwang feedbacks mula sa mga televiewer.

Kuwento pa ni Roi na pati raw ang mga co-star niyang tulad nina Jaclyn Jose, Gardo Verzosa at Sef Cadayona ay nagugulat sa pinapakita niyang gay performance sa taping.

“Sila rin sobrang natatawa sa akin. For me, that’s a compliment. Kapag napatawa kita, it means may ginagawa akong tama.

“Kaya sige, panindigan na natin ito!” tawa pa niya.

Para maiba naman ay may guest role si Roi sa pagbabalik ng Encantadia bilang si Haring Arvak.

Para lang daw sa pilot week ang role niya at natuwa siya’t napasama siya sa naturang telefantasya.

Hollywood actress na si Drew Barrymore tatlong beses nang nahiwalay sa asawa

Ginawang opisyal na ng Hollywood actress na si Drew Barrymore ang pag-file ng divorce sa kanyang mister na si Will Kopelman.

Apat na taong kasal sina Drew at Will at meron silang dalawang anak.

Ito ang ikatlong divorce ni Drew. Una siyang kinasal kay Jeremy Thomas noong 1994 at dalawang buwan lang nagtagal ang pagsasama nila. Kinasal siya ulit noong 2001 sa comedian na si Tom Green at inabot ng limang buwan ang pagsasama nila.

Nag-file si Drew sa Manhattan Supreme Court in New York City at “uncontested” ang pag-file niya ng divorce papers.

Noong nakaraang April ng taong ito naghiwalay sina Drew at Will. Naglabas pa sila ng joint statement sa media tungkol sa paghihiwalay nila.

Naging open naman ang 41-year old actress tungkol sa kanyang pakikipaghiwalay sa isang interview with Good Housekeeping.

“Happiness is not this yellow, blithe, floating thing. It’s something that takes a tremendous amount of work.”

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with