^

Pang Movies

Attention Vice Kris nagparinig tungkol sa mga tunay at bagong kaibigan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sino kaya ang tinutukoy ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account sa pakikipag-bonding niya sa kanyang mga true friends and new friends. 

May mga nagtanong kay Kris kung sino ang tinutukoy niya, pero hindi niya iyon sinagot. Nakakatawa na iyong mga pangalan na binanggit ng mga nagtatanong na hindi na niya nakakasama ngayon at hindi nga niya inamin kung sila ang tinutukoy nila.

Anyways, balitang sa pagbabalik ni Kris next month, may si­simulan siyang isang primetime show. Saan kaya ito, sa ABS-CBN pa rin at ano ito, talk show or isang teleserye?

Marian at Maine magsasama sa pelikula

Very supportive si Marian Rivera-Dantes kina Alden Ri­chards at Maine Mendoza, para sa coming solo movie nilang may tentative title pang Imagine You & Me.

Last Thursday, nag-taping na si Alden as guest sa kanyang morning talk show na Yan Ang Morning at sabi ni Marian, tiyak na aabangan daw ito ng mga fans ng magka-love team. Kailan naman kaya maggi-guest si Maine or maggi-guest ba nang sabay ang dalawa?

Ang Yan Ang Morning ay napapanood araw-araw, 9:30 a.m. sa GMA 7.

Pero kinagabihan, si Maine naman ang kasama ni Marian sa shooting, may cameo role siya sa movie na idinidirek ni Mike Tuviera. 

Ayon sa kuwento ng mga fans na nanood ng shooting, may pagka-comedy raw ang eksena, dahil naririnig lamang nila ang mga dialogues nina Marian at Maine, hindi raw naman kasi sila pwedeng lumapit sa shoot para makapanood, sumusunod daw sila kung ano ang ins­truction sa set. Kaya lalo raw silang excited malaman kung ano ang story ng movie na this July ang playdate.

Enchong tinawanan na lang ang tukaan nila ni Kiray

Tenth anniversary na this year ni Enchong Dee sa showbiz at pang-sampung pelikula na rin niyang nagawa ang I Love You To Death na first time nilang pinagtambalan ni Kiray Celis.  Hindi ba siya nanibago na may kissing scene pa sila ngayon ni Kiray?

“Nanibago po dahil dati gumaganap lamang kaming magkapatid ni Kiray,” napapangiting sagot ni Enchong. “Pero dito sa aming movie, childhood sweethearts kami at after twenty years muli kaming magkikita na magtatapos sa pagpapakasal namin. Medyo nahirapan nga kaming gampanan ang kissing scene dahil si Kiray hindi makuha-kuha ang gustong ipagawa sa kanya ni Direk Miko Livelo. Naiiyak na nga siya at binibiro na ng staff. Natatawa rin ako pero hindi ko ipinahahalata sa kanya.”

Hindi raw niya masisisi si Kiray dahil magkaiba sila ng generation, iyon nga kuya-kuya siya nito at biro pa ni Enchong, magkaiba rin daw sila ng height, kaya nahirapan ito sa kanilang kissing scene, pero nang makuha na raw nila, iyon na, iyon na raw ang aabangan ng mga manonood sa showing nila simula sa July 6.

Kidding aside, nagpasalamat si Enchong kay Mother Lily na kinuha siyang leading man ni Kiray.  Inamin niyang for two years din na wala siyang ginagawa, parang ipinahinga niya nang kusa ang sarili niya sa showbiz. Pagbi-business ang inasikaso niya pero after two years, hinanap-hanap din niya ang pagiging busy muli sa showbiz, kaya parang simula sa pelikulang nilang ito, magiging busy na naman siya.

CHILD FRIENDLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with