^

Pang Movies

Kiray bankable star na?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi naman talaga sa Regal Films nagsimula si Kiray Celis. Una siyang lumabas nang maging contestant sa isang contest sa isang show noon ng ABS-CBN.

Tapos nakalabas na rin siya sa ilang serye, at nakalabas na rin sa ilang pelikula sa ilalim ng iba’t ibang kumpanya. Pero inaamin ni Kiray, ang Regal ang siyang unang nagbigay sa kanya ng talagang malaking break. Ginawa siyang bida at itinambal kay Derek Ramsey. Ang pelikula ay naging isang hit, kaya si Kiray ay sinasabing isa na ngayon sa mga bankable star natin.

Ngayon Regal na naman ang magbibigay sa kanya ng isa pang break, para patunayan na hindi lang tsamba ang pagiging box office star niya. This time, ang partner naman niya ay si Enchong Dee sa pelikula nilang I Love You To Death.

Horror-comedy naman ang pelikula, at sa takbo ng trailer na napanood namin, mukha namang kakagatin iyan ng publiko.

Iyon naman ang kaibahan ng Regal. Gumagawa sila ng mga pelikulang alam nilang magugustuhan ng mga tao. Sila kasi iyong producers na naniniwalang ang pelikula ay isa pa ring aktibong industriya sa ating bansa. Kung industriya, kailangan ngang kumita. Hindi sila iyong kagaya noong iba na gumagawa ng mga pelikulang trip-trip lang. Tapos magagalit kung ayaw silang ipalabas ng mga sinehan.

Ang advantage kasi, may mga sinehan din si Mother Lily. Alam din naman niya ang problema ng isang may-ari ng sinehan. Kung ang ilalabas mo sa sinehan ay malulugi, mas malaki ang lugi ng sinehan.

Dahil din doon kaya alam niya kung ano ang pelikulang kikita. At sa totoo lang, iyan ang nakikita niya kay Kiray ngayon kaya ginagawan niya ng mga project.

Hindi super production ang mga pelikula ni Kiray, pero kumikita. Hindi sila nagyayabang na kumita sila ng one hundred million in four days, pero siguradong kumikita sila. Minsan may nagsasabing one hundred million ang kinita in four days, pero ang totoo nalulugi pa.

Pull out agad-agad Tom kawawa ang kapalaran ng pelikula

Sa totoo lang, naawa kami noong marinig namin ang nangyari sa pelikula ni Tom Rod­riguez. Sinasabi ng mga kritikong maganda naman daw ang pelikula, pero marami ang nag­sasabing wala namang nanood noon. Kami nga hindi namin nalaman na may pelikula palang ganoon, kung hindi lang nagkakagulo na ngayon dahil sinasabi nilang inalis iyon sa mga sinehan.

Mayroong isang elemento na nakakalimutan nila eh, kailangan ng pelikula ang publisidad. Hindi puwede iyong hanggang Facebook ka lang. Paanong may manonood kung hindi nila alam na may ganoon palang pelikula? Papaano makukumbinsi ang mga taong magbayad ng mahigit na dalawandaang piso kung ni hindi niya alam kung anong pelikula nga ba iyon?

Iyan ang ginagawa ng industriya noong araw, kaya kumikita ang mga pelikula. Nang magpasukan ang mga baguhan na naniniwalang gagawa na lang sila basta ng pelikula, ni walang publisidad. Naniniwala silang basta mapag-usapan sila ng mga blogger ayos na, mas bumagsak ang mga pelikula. Tapos ba kung walang manonood magagalit tayo sa mga sinehan? Sino ba ang gustong malugi?

Maski sa palengke, sa umaga maganda pa ang presyo niyan. Pagdating ng alas-nuebe, tumpukan na iyan. Basta inabot ng alas-onse, inaalis na iyan dahil may amoy na iyan. Ganoon din ang pelikula. Basta sa unang araw hindi kumita, inaalis na iyan.

 

SOXIE TOPACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with