^

Pang Movies

Maine nilundagan ng babae sa kalyeserye

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Grabe ang inabot ni Maine Mendoza last Wednesday sa sugod-bahay ng Eat Bulaga nila sa Muntinlupa City. Isang babae ang biglang nilundag si Maine at niyakap nang mahigpit sa leeg.  Nagulat ang mga security na nakahanay lamang sa tabi ng kalye sa biglang paglabas ng babae.  Matagal-tagal din bago natanggal ang mahigpit na pagkakayakap kay Maine na mabuti ay hindi na-out ba­lanced.  Tinawag agad siya ni Bossing Vic Sotto at kinumusta, sagot naman ni Maine, “kaya pa Bossing, kaya pa.”

Kahapon ay magkasamang nag-lunch at nag-celebrate ng kanilang 47th weeksary sina Alden Ri­­chards at Maine sa set ng movie nila, complete with their favorite chocolate cake. 

Tinanong ng dalawang lola kung ano ang eksenang kinukunan sa kanila, tracking shots daw sila sa kalye na nasa taxi si Maine at nasa kotse niya si Alden.

Hanggang doon lamang ang pwede nilang i-share at bawal sabihin ang location nila para magtuluy-tuloy ang shooting nila dahil malapit-lapit na rin ang playdate nila this July.

Eula at Ryzza hindi maghihiwalay kahit tsugi na ang Princess…

Finale episode na ngayong Friday ng Princess in the Palace nina Eula Valdez at Ryzza Mae Dizon, 11:30 a.m. bago ang Eat Bulaga

Big scene ang pagtatapos ng drama series na produced ng APT Entertainment at dinirek ni Mike Tuviera, dahil wedding scene ni former president Leona (Eula) kay Christian Vasquez at siyempre pa, ang masayang-masaya ay si Princess (Ryzza Mae) dahil mayroon na raw siyang tatay.

Pero hindi malulungkot ang mga bida at taga­subaybay nila, dahil patuloy silang mapapanood simula sa Monday, June 13, sa bagong comedy show ng APT Entertainment, ang Calle Siete na dinidirek ni Monty Parungao.

“Maswerte ako na right after ng drama series namin ako pa rin ang kinuha ng APT Entertainment para makasama sa cast,” sabi ni Eula Valdez.  “Pero hindi totoo na exclusive contract star na ko ng APT. Hindi ko nga in-expect na magkakaroon agad ako ng trabaho. Pero maganda dahil mas magaan sa dibdib ang bago na­ming show.”

Kahit si Christian ay nagulat din nang isama siya sa Calle Siete na gaganap naman silang mag-asawang OFW ni Eula.  Ganoon din naman si Ryzza Mae dahil tuluy-tuloy pa rin siyang may show, bukod pa sa Eat Bulaga.

“Natutuwa po ako dahil masaya itong show na­ming. Mahirap din po kasing mag-drama, mahirap umiyak, dito relax lamang ako.”

Nami-miss din daw ni Ryzza Mae ang pagho-host tulad ng kanyang Ryzza Mae Show noon.  Pero nagagawa pa rin naman niya ito dahil isa siya sa nagho-host kasama ng Dabarkads sa EB.  At since pasukan na ulit, tuloy din ang studies niya.

 

 

vuukle comment

SENATOR PANFILO LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with