^

Pang Movies

Vina mahihirapan nang mag-abroad!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mabilis ang naging aksiyon ng korte. Habang hindi pa opisyal na nasasagot ni Cedric Lee ang bintang ni Vina Morales na dinetain niya ang kanilang anak nang siyam na araw, habang ang singer ay may performance sa abroad, sinuspinde muna ang kanyang visitation rights sa kanyang anak.

Sa naunang desisyon ng korte noong mag-split silang dalawa noong 2009, ibinigay ng korte ang full custody ng kanilang anak kay Vina. Normal naman iyon na ang custody ng isang batang wala pang pitong taong gulang ay ibinibigay sa kanyang ina. Pero binigyan din ng visitation rights ng kor­te si Cedric na nagbintang naman na hindi iyon tinutupad ni Vina.

Sa kanilang bagong pagtatalo, sinabi ni Vina na nagkaroon ng trauma ang kanyang anak matapos na ma-detain at ni ayaw payagang lumabas ni Cedric sa loob ng siyam na araw. Sinabi naman ni Cedric sa isang media interview na hindi totoo iyon at mapapatunayan ng mga bonding photos nilang mag-ama na maganda ang kanilang pagsasama.

Mapapatunayan kung ano talaga ang totoo oras na tumestigo na sa korte ang bata mismo. Pitong taon na ngayon si Ceana, at maaari na nilang pagtalunan ang custody noon. Pero ang hinihingi ni Vina ay tuluyan nang kanselahin ang visiting rights ni Cedric, na nilalabanan naman siyempre ng ama ng bata.

Mahabang usapan ang tiyak na mang­yayari. In the meantime, hindi rin natin alam kung ano pa ang mga susunod na mangyayari. May mga nagsasabing baka makaapekto ang mga pangyayaring iyan sa career ni Vina, dahil takot na siyang iwanan ang kanyang anak. Maraming offers sa kanya na concert sa abroad.

Sinasabing ang isa pang magagawa ni Vina ay humingi ng kahit na temporary protection order, habang dinidinig pa ang kanilang kaso, at isang permanent protection order kung sakali at papaboran siya ng hukuman later on.

Aiza at Leah mainit pa ang laban sa pulitika

Tapos na ang eleksiyon pero mukhang nagkakainitan pa maging ang mga artistang masyadong involved sa pulitika noong nakaraang eleksiyon.

Nag-post ang singer na si Aiza Se­guerra ng panawagan sa mga kagaya niyang supporters ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi naman sila dapat na maging blind followers. Hindi naman tama na basta kontra sa paniniwala nila ay aawayin agad lalo na sa social media. Tama naman ang sinabing iyon ni Aiza. Mas tama pa ang sinabi niyang tapos na ang eleksiyon, kalimutan na ang awayan.

Sinagot naman iyon ng singer na si Leah Navarro na kahit tapos na ang eleksiyon, nakatutok pa rin sila sa gagawin ng gobyerno at nakahanda silang labanan iyon kung may gagawing labag sa kagustuhan nila. Si Leah Na­varro ay kilalang supporter ng pamilyang Aquino sa simula’t simula.

Kung kami naman ang tatanungin, hindi na talaga dapat pag-awayan ang ganyan. Nagsalita na ang ba­yan. Siguro nga dismayado na sila sa pamamalakad ng sinusuportahan ni Leah kaya naging ganoon ang nangyari sa eleksiyon. After all tatlumpung taon na nga namang ganoon.

Tigilan na nga naman ang awayan at magsimula tayong tingnan kung anu-ano ang mga magagandang pagbabago na maaaring gawin, para gumanda-ganda naman ang buhay natin, lalo na ng mga “nasa laylayan lang” ng lipunan.

BIOPSY

BUKOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with