^

Pang Movies

Sam gusto na ring magkaanak, inggit kay John!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Pumapasok na rin daw sa isipan ni Sam Milby ang magkaroon ng girlfriend. And, hopefully, marry the girl.

Inaamin kasi ni Sam na somehow naiinggit siya sa kanyang best friend na si John Prats, na hindi lang basta kasal na, kundi isang papa na rin sa isang baby girl.

Everybody remembers na naging ideal na magkasintahan sina Sam at Anne.

But they broke up. And, henceforth, wala nang napabalitang girlfriend si Sam.

In the case of Anne, medyo nagkaroon muna siya ng string of boyfriends, bago finally naging sila ni Erwan Heussaff, commercial model, chef and restaurant owner, bukod sa bunso at nag-iisang kapatid ng kabarkada ni Anne na si Solenn Heussaff.

Now, balitang officially engaged na sina Anne at Erwan at malamang na ikasal sila next year.

In the case of Sam, kung kani-kanino siya na-link. Kabilang na ang beauty queen na si MJ Lastimosa. And, of course, the Filipino British model Mari Jasmine.

Porke nasa posisyon Vice mas dikit na sa mga Duterte kesa sa asawang si Kris?!

Tanong lang Salve A.: Ano kaya ang reaksyon ni Kris Aquino sa ‘di naman inililihim ni Vice Ganda na current closeness niya kay President Digong Duterte? Pati na sa anak nitong si Baste.

Di ba as close as can be sila at ang tawagan pa nga nila sa isa’t isa ay “asawa ko?”

John nakabangon dahil sa paggamit ng ‘Miracle Powder’

Naging artista rin ang ina ni John Regala na si Ruby Regala.

And she was a favorite leading lady ni former president and now Manila Mayor Joseph Estrada.

It was when she got pregnant with John that Ruby decided to quit showbiz at manatili na lang sa kanilang town sa Polangui, Albay.

“Sa Polangui ako lumaki at nagka-isip,” ani John. “But when I grew up, with my mom’s permission, I decided to try showbiz.”

John turned out to be a good actor. Na typecast siya sa kontrabida roles, where he excelled. Kaya, naturingan siyang bad boy (sa big screen lang) ng showbiz.  Until, kumbaga, nagkaroon siya ng bisyo, na ayaw na niyang pag-usapan.

Ang mahalaga, ayon kay John, “buma­ngon” siya. At palib­hasa magaling ngang artista, kaagad pinagbukasan siya ng “pinto” ng mga producer.

Nasa cast si John ng Teniente Gimo, which also stars Ba­ron Geisler.

But showbiz is not what keeps John busy right now. Siya rin ang president and CEO of Project Green Evolution, na ang primary aim is to grow plants indoor.

Well, sa pamamagitan lang ng paggamit ng “miracle powder,” which a chemist invented and only his company, according to John, distributes and sells.

At a presscon organized for him by Aster Amoyo, talent manager and entertainment co­lumnist, John, along with his fellow officers of his company, na pawang INC (Iglesia Ni Cristo) members: Clair N. Baniaga (treasurer), Dennis L. Bialon , William M. Galvan (Auditor) and George C. Orden (marketing), plus Edwin dela Torre, the man behind the “miracle powder”, pinakita nila ang mga collected bonsai nila, na sa tubig lang nakalagay, pero, growing beautifully.

Puwedeng magpalago ng kahit anumang klase ng halaman, kahit pa ng puno ng kamatis, calamansi at kung anumang tanim, na madalas kailangan sa pagluluto sa tulong ng miracle powder na sa tubig lang ilalagay at pwede pa sa loob ng bahay.

John hopes na makilala ang produkto ng Green Evolution all over the country. Isa rin daw itong paraan para kahit ang mga nasa bahay lang ay magkaroon ng hanapbuhay.

Balak din ni John na pulungin ang kanyang mga kapwa artista at iba pang kasamahan sa showbiz, para maibahagi niya ang tungkol sa kanyang bagong advocacy, na magbibigay din ng additional income sa kanila.

BASIC EDUCATION CURRICULUM

CEBU

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with