^

Pang Movies

Discoveries ni Kuya Germs hindi nababakante

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natutuwa kami at tinupad ng GMA 7 ang mga pangako nila kay Kuya Germs bago ito namatay. Gaya ni Jak Roberto na kabi-kabila ang projects sa nasabing istasyon at ni Ken Chan na laging nasa listahan na kinokonsider ng GMA Entertainment at GMA News Channel sa mga project nila.

Maski ang may dugong Hapon na si Marika Sasaki ay nabibigyan din ng proyekto. Lahat sila ay produkto ng Walang Tulugan ni Kuya Germs. Ngayong Biyernes ay kasama sina Jak at Marika sa mga guest ng Bubble Gang.

Chris Tiu excited uwian ang baby girl

Lalo pang nagiging aktibo si Chris Tiu sa mga ginagawa niya araw-araw gaya ng TV show niyang I Bilib na napapanood tuwing Linggo ng umaga sa GMA 7. Proud daddy na si Chris sa anak niyang babae na may timbang na 8 pounds nang iluwal ng misis niya. Kaya lagi itong masaya sa set ng I Bilib tuwing may taping lately. Pero ang sigurado ako, lagi siyang nagmamadaling makauwi para makapiling ang asawa at anak.

Mark nasa beauty queen ang kapalaran

Handa nang ipakita ng Miss World 2013 na si Megan Young ang kanyang comedic side sa upcoming show niya sa GMA ang Conan, My Beautician. Makakasama niya rito for the first time ang bad boy ng dance floor na si Mark Herras.

Tsika pa ni Megan, first time niyang sasabak sa comedy kaya excited na siyang ipakita ang kanyang kakulitan. “I don’t think I remember doing a comedy show ever in my whole career so that’s a big thing for me. I’ve done drama, I’ve done ‘yung mga kilig-kilig but never comedy. It’s exciting, it’s fun, and I’m looking very much forward to it.”

Tila malalapit talaga sa mga beauty queen ang aktor na si Mark Herras. Girlfriend kasi niya ang beauty queen/actress na si Winwyn Marquez at makakatrabaho naman niya si Megan.

Sa nasabing serye, magpapaka-beki ang aktor dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa kanilang buhay. Inamin niya na medyo na-challenge siya sa role na ipinagkatiwala sa kanya ng network. “Natsa-challenge din ako. It’s a nice opportunity din para hindi rin ako makahon sa isang klaseng karakter at mapakita sa mga tao at sa GMA Network na they can see me doing diffe­rent roles like this.”

Iya parang hindi nagtatrabaho pag kasama ang asawa

Matapos maging magka-love team sa series na Click ten years ago, muling magkakatambal sa telebisyon ang mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania sa pagsisimula ng kanilang cooking adventures sa San Miguel Pure Foods Home Foodie na ipapalabas simula sa June 13 pagkatapos ng Unang Hirit sa GMA. Ibinahagi ng soon-to-be Kapuso mom ang kanyang excitement sa muli nilang pagtatambal sa telebisyon.

“I’m very excited kasi this is my first time—after Click and even ngayon na kasal na kami—to work with Drew. Mas magaan sa feeling. Actually, hindi ko siya maituturing na work, e. Kasi kahit na galing ako sa isang taping na puyatan, kapag siya na katambal ko sa taping, gumagaan talaga e. I can still finish my work with a smile,” nakangiting kwento ni Iya.

vuukle comment

DROGA

OVERDOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with