^

Pang Movies

Julio ‘buhay’ na naman!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakatayo na si Julio Diaz sa picture na post ni director Brilliante Mendoza sa Facebook. Maa­yos na ang hitsura ng aktor matapos malagay sa bingit ng kamatayan.

Si direk Brillante ang unang nagsabi ng karamdaman ni Julio. Isa kasi siya sa mga artista ng direktor sa pelikulang Ma’ Rosa na inilahok sa Cannes Film Festival.

Sa tulong ng mga kaibigan at nagmamalasakit sa showbiz, naoperahan si Julio sa utak at mukhang magaling na ngayon dahil nakakangiti na siya.

Wannabe actor rumampa sa international filmfest kasama ang ‘daddy’

Naispatan ang isang wannabe actor sa pictorial ng mga dumalo sa isang international filmfest. Produkto siya ng isang contest sa TV pero nabuwag rin ang grupo niyang kinabibilangan.

Eh nang lumabas sa pictures ng cast sa social media, nalaman ng nakakakilala sa baguhan na pinasok na rin pala niya ang showbiz. Siyempre, nagtaka ang kakilala niya kung saan kumuha ng panggastos ang wannabe. Never naman kasing nagmarka ang name niya.

Feeling ng kakilala ng baguhan, may nag-sponsor sa kanya. Kasi ‘yung ibang cast, kanya-kanyang gawa ng paraan para makadalo sa festival dahil limitado lang ang sponsored ng filmfest committee, huh!

Eh nang bumalik sa bansa ang cast, walang post ang wannabe kung nakabalik na rin siya. Hinala ng kakilala, nagpaiwan siya sa bansa kasama ang sponsor, huh!

John Lloyd binibigyan ng ilusyon na ka-level ni Jaclyn

Sobra naman kung ipangalandakan ang pana­lo ni John Lloyd Cruz ng Star Asia Award sa 15th New York-Asian Festival, huh!  Natural, hindi pakakabog ang network ni Lloydie dahil sa mileage na nakuha ni Jaclyn Jose sa nakaraang Cannes Film Festival. Ayaw nilang matabunan ang artista nila, huh!

Naku, may bilang ba ‘yang festival na ‘yan? Ngayon lang namin narinig ‘yan, huh! Hindi na nga mabilang sa daliri ang festivals abroad na sinasalihan ng mga indie producer, huh! Mas mara­mi ang unknown kesa sa known!

Sa kamalayan ng Pinoy, tanging ang Berlin Festival at Cannes Festival ang prestigious sa lahat ng festivals na nagaganap sa ibang bansa. ‘Yung iba eh second class na dahil matapos manalo ang artista natin pati na ‘yung entry ay hindi na natatandaan ng publiko.

Wag nang bigyan ng ilusyon si John Lloyd na prestigious din ang festival na nagbigay sa kanya nga award, huh!

Tom tinuruan ni Dennis ng gagawin kay Carla

‘Wag nang paaminin sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa relasyon nila. Obvious na ‘yun sa pagsama ni Tom kay Carla sa biyahe nila sa Europe kung saan may pic silang holding hands. Kung wala silang relasyon, papayag ba ang pamilya ng Kapuso actress na isama si Tom?

Hindi na naman bata sina Carla at Tom. Ibalato na lang natin sa kanila ang hindi pag-amin sa estado ng relasyon nila.

Si Dennis Trillo nga, never umamin na nagkabalikan sila ni Jennylyn Mercado, tapos may balitang hiwalay na, ‘di ba? Sa setup nilang ganoon, maisasalba nila ang kanilang sarili, huh!

Malay natin, may napulot na aral si Tom kay Dennis dahil magkakuwadra sila sa management! Ha! Ha! Ha!

SINUSUWERTE KA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with