^

Pang Movies

Robin umalma sa pagkakadawit sa shabu laboratory!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin masisisi si Robin Padilla kung nainis man siya na lumabas na mga balita tungkol sa nangyaring raid sa isang private house sa Angeles City na natuklasang laboratory pala ng shabu. Sa mga naunang pagbabalita, aywan kung bakit nakaladkad ang pangalan ni Robin. Sinasabi nilang si Robin ang dating may-ari ng bahay na iyon.

Wala namang masama kung sinabi mang siya ang dating may-ari ng bahay, dahil wala namang sinabing sangkot siya sa laboratory ng shabu. 

Pero kung minsan iyong madawit ang pa­ngalan mo sa ganyang mga bagay na wala ka namang kinalaman, nakakainis din. Mabuti naman, inalis agad ang pangalan ni Robin sa isang online website kung saan isinali rin ang pangalan niya.

Nasabi nga ni Robin na kung totoo raw ang mga balita, siya pa ang magsasabi kay incoming President Digong Duterte na siya na ang unang bitayin pag-upo nito sa Malacañang.

Minsan nangyayari ang ganyan sa pagkuha ng balita. Iyong isang reporter nagtatanong sa kahit na sino, dahil naghahanap siya ng mas maraming detalye tungkol sa kanyang ibabalita. Ano nga ba ang bago sa isang raid sa isang laboratory ng shabu, eh ang dami naman talaga niyan. Siguro sa pagtatanong may nagbanggit ng pangalan ni Robin. Iyan namang mga reporter sa field, usually nagmamadali iyan eh, at under pressure. 

Responsibilidad din ng editors nila na ayusin ang kuwento at gumawa ng verification sana bago ilabas ang balita.

Kagaya nga noon, nalaman naman later on na ang talagang lehitimong may-ari at nagpapaupa ng bahay ay isang Atty. Orlando Pangilinan. Bakit nga naman nadawit doon sa Robin?

Kaya sabi nga namin, hindi namin siya masisisi kung nainis siya. Palagay din namin hindi sapat na baguhin lamang ang istorya, dapat namang mag-apologize kay Robin ang gumawa ng mga istoryang iyon dahil talaga namang nagkamali sila.

Richard binitin ang fans

Last week na nga ngayon ng Ang Panday sa TV5. Aminin man natin o hindi, maganda ang show, pero hindi nga masyadong tumaas ang ratings. 

Ang sabi kasi ng fans, noong una ay nalito sila kung anong araw at oras nga ba palabas ang nasabing serye. Iyon nga naman kasing mga kalabang serye, napapanood araw-araw. Hindi pala ganoon ang Panday.

Ang disadvantage, doon sa mga araw na walang Panday, manonood sila ng iba. Ang ending wala na silang maintindihang kuwento, kasi lalaktaw sila sa pinanonood nila kung lilipat sila sa Panday. Mas maganda nga siguro ang naging resulta kung naging daily ang airing ng Panday.

Ang isa pang magandang solusyon diyan, sana hindi na serye. Sana ginawa nilang Panday antho­logy. Iyong tapos ang kuwento sa bawa’t episode, pero parehong character din. Kung ganoon kasi, hindi bitin ang kuwento.

Aktor pahinga na sa bading, nagsasarili na

Ang tsismis, finally nagsasarili na raw ng bahay ang isang male star. Bago iyan, sinasabing siya ay nakatira sa bahay ng kanyang gay manager, at siyempre hindi rin iyan maganda para sa kanyang image. Alam naman ninyo ang fans, laging may duda basta ang mga male star ay associated sa bakla. Siguro nga advantage na niya iyang nagsasarili na siya ng bahay, pero kailangang maging maingat siya na hindi na siya ma-associate pa ulit sa mga bading. Baka mamaya kung anong iskandalo na naman ang lumabas.

 

LA MESA ECO PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with