Kaya hindi close kahit schoolmates Alden biktima ng pambu-bully ni Juancho?!
Last day na ngayon ng Wish I May na papalitan ng Magkaibang Mundo, ang afternoon teleserye ng bagong bini-build up na loveteam nina Louise delos Reyes at Juancho Trivino.
Recently ko lang nalaman na matagal nang magkakilala sina Juancho at Alden Richards dahil schoolmates sila sa isang school sa Laguna.
Kung typical ideal student si Alden, brusko at bully naman si Juancho.
May intriga na ang nakaraan ang dahilan kaya hindi close sina Alden at Juancho.
Nasa Italy pa si Alden para sa shooting ng pelikula nila ni Maine Mendoza.
Tiyak na ang past nila ni Juancho ang itatanong kay Alden kapag bumalik na ito mula sa Italy dahil damay nga ang pangalan niya sa promo at publicity ng Magkaibang Mundo.
Sa madaling salita, magkaiba ang mga mundo nina Juancho at Alden noong nag-aaral pa sila sa iisang school at hanggang maging artista ang dalawa.
Wish ko lang, huwag i-bash si Juancho ng fans ni Alden dahil may feeling ako na pagbibintangan siya na ginagamit ang sikat na aktor para mapag-usapan ang bagong show nila ni Louise na dating loveteam ni Alden sa mga nakaraan na teleserye ng Kapuso Network. Maliit lang talaga ang mundo na ginagalawan nina Juancho at Alden.
T.O.P. nag-pramis na hindi maghihiwa-hiwalay
Available na sa leading music stores ang first ever album ng T.O.P. (Top One Project), ang boy band ng GMA 7 na produkto ng talent search show na To The Top.
Lima ang mga member ng T.O.P., sina Mico Cruz, Miko Manguba, Adrian Pascual, Joshua Jacobe at Louie Pedroso.
Naggagandahan ang mga singing voice ng members ng T.O.P at piling-pili ang anim na kanta sa kanilang debut album na puwedeng gamitin na theme song ng mga teleserye ng Kapuso network.
Bago pa ni-release ang album ng T.O.P., pinagkakaguluhan na sila ng fans na bilib na bilib sa mga singing talent nila.
Dahil excited pa ang T.O.P. nag-promise sila na hindi magpapaapekto sa mga intriga at hinding-hindi mabubuwag ang kanilang grupo.
Tumaas ang kilay ng mga reporter na nakarinig sa pralala ng T.O.P. dahil sa Pilipinas man o sa ibang bansa, walang mga banda o boy band na nagtatagal ang pagsasama.
Darating ang araw na naghihiwalay sila, kahit tanungin pa nila ang mga dating member ng The Beatles, Village People, Eraserheads, etc.
Dahil hindi maka-Mar Ogie at Regine hindi na raw puwedeng umapak sa Cubao?!
Parang mahirap paniwalaan ang intriga na banned na mag-perform sa Smart Araneta Coliseum ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil ang presidential candidacy ni Senator Grace Poe ang kanilang sinuportahan, hindi ang kandidatura ni Mar Roxas.
Ang pamilya ni Papa Mar ang may-ari ng Big Dome pero imposible na i-ban nila ang Alcasid couple dahil hindi naman sila mapaghiganti at lalong hindi makitid ang kanilang mga pag-iisip. Hindi ganoon ang pagkakakilala natin sa Araneta clan nina Papa Mar ‘di ba?
At kung true man ang intriga, maraming venue na puwedeng pagtanghalan sina Ogie at Regine. Nandiyan ang Mall of Asia Arena, Philippine Arena, The Theater ng Solaire, Cuneta Astrodome at marami pang iba.
- Latest